Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hello Jomari, Ara at Aiko nagkaayos na!

Ara Mina at Aiko Melendez

Magkabati na sina Ara Mina at Aiko Melendez. Malaki ang naitulong ng maturity ng dalawa para ibaon nila sa limot ang nakaraan, ang kanilang feud na bumilang ng maraming taon.

Nagsimula ang feud nina Aiko at Ara nang makarelasyon nito si Jomari Yllana.

Nadagdagan ang hidwaan ng dalawa dahil naging boyfriend din ni Ara si Bulacan Mayor Patrick Meneses na dating karelasyon ni Aiko. Hindi basta boyfriend-girlfriend ang love affair nina Ara at Patrick dahil nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila.

Marami na ang nangyari. Hindi rin naman nagkatuluyan sina Ara at Jomari. Nagkaroon ng ibang karelasyon si Aiko at nang magkita sila ni Ara sa burol ng movie reporter na si Richard Pinlac noong nakaraang linggo, nagkabati na sila.

Totoo na ginagamot ng panahon ang bawat sugat at malaking tulong talaga ang maturity ng isang tao para magkaroon ng forgiveness at kalimutan ang nakaraan.

Dalawang aktres lumalala ang away sa sulsol ng fans!

Tularan sana sina Aiko Melendez at Ara Mina ng dalawang aktres na mortal enemies.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero masyadong malalim ang away ng dalagang aktres kaya baka matagalan pa ang reconciliation nila.

Shocking ang mga revelation ni Actress A tungkol sa mga paghihiganti sa kanya ni Actress B. Hindi na lamang daw siya kumikibo para hindi na lumaki ang away nila.

Tumindi ang hidwaan ng mga aktres dahil na rin sa social media at sa fans na nakisawsaw sa kanilang away. Mga tagahanga na enjoy na enjoy sa paninira sa mga karibal ng mga hinahangaan nila na artista.

Passionate na passionate ang fans sa pagsusulsol sa dalawang aktres. Gusto yata nila na talbugan ang makasaysayan na rivalry noon nina Vilma Santos at Nora Aunor na mahirap nang mapantayan dahil nag-iisa lang ang Star for All Seasons at ang Superstar sa Philippine entertainment industry.

Nora inaabangan kung lilitaw sa bagong show

Ngayong umaga ang pilot telecast ng The Lolas Beautiful Show, ang morning talk show nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, si Nora Aunor ang special guest sa initial telecast ng bagong talk show ng tatlong lola sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang The Lolas’ Beautiful Show ang ipinalit sa Trops na nag-babu noong Biyernes. Sad ang cast ng Trops sa pagwawakas ng kanilang programa쟡ahil bukod sa nawalan sila ng raket, mami-miss nila ang magandang samahan na nabuo sa show na halos isang taon na namayagpag sa telebisyon.

Hindi naman mawawawalan ng exposure sa TV ang male cast ng Trops dahil regular sila na napapanood sa Eat Bulaga.

Maricel ‘di kinalawang

Natuwa naman ako dahil sa mga positive feedback tungkol sa television comeback ni Maricel Soriano via Maalaala Mo Kaya.

Magaling na artista si Maricel. Nakakapanghinayang kung hindi napapanood ng madlang-bayan ang husay niya sa pag-arte.

I-wish natin na magtuluy-tuloy na ang pagiging active ni Maricel sa showbiz. Choice rin naman niya kasi na magpahinga at alam n’yo naman sa showbiz, nalilimutan ng mga tao ang mga artista na bihira nila na mapanood at makita.

Mabuti na lang, magaling talaga na artista si Maricel kaya nawala man siya nang matagal, madali sa kanya ang makabalik, basta good project ang gagawin niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: