^

Pang Movies

Empoy may matinding kaba

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinakabahan ang artistang taga-Baliuag na si Empoy Marquez dahil malapit nang mag-showing ang pelikula niyang The Barker directed by Dennis Padilla sa October 4.

Tipong kulang sa ingay ang promo ng pelikula. Dapat ay lalong  bugbugin sa promo ang naturang movie dahil dito malalaman kung talagang si Empoy na ang bagong movie idol. Katambal ni Empoy sa naturang pelikula si Shy Carlos. ‘Di gaya ng ka-love team ni Empoy sa blockbuster movie na Kita Kita na si Alessandra de Rossi, hindi pa masyadong sikat si Shy kaya pinagdududahan kung kakagatin sa takilya itong upcoming movie nila.

Balita nga naming, halos araw-araw na nasa simbahan ng Baliuag si Mommy Cecil ni Empoy at humihingi ng suporta sa itaas.

Gloria at Elizabeth ‘dina palakihan ng boobs

Hindi akalain ng mga dating beauty queen na sina Miss Universe Gloria Diaz at dating Miss Luzon Elizabeth Oropesa na muli silang magkakasama sa isang proyekto.

Dati nang nagkasama sina Gloria at Elizabeth sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na idinirek ni Celso Ad. Castillo.

Noong araw, palakihan ng boobs ang drama ng dalawa pero ngayon ay patagisan na sila ng acting para sa Cinemalaya Films.

PERSONAL...

Get well soon Atty. Susan Narcisa De Leon Huera of Baliuag, Bulacan. Si Susan ang number one supporter sa Baliuag ni Sen. Grace Poe noong tumatakbo siya for president.

Katuwang ni Susan ang loving husband niyang si Atty. Herme Huera noong panahon ng eleksyon. 

                                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with