Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kim at Xian hanggang cell phone na lang!

As expected, tulad ni Kim Chiu, idinenay din ni ­Xian Lim sa presscon ng upcoming launch ng kanyang third album, Key of X, na nagkakalabuan na sila sa kasalukuyan.

Whether as sweethearts or as two people just close as can be, ­Xian didn’t elaborate. Busy lang daw sila pareho.

Kaya, ‘di tulad ng dati na madalas silang magkita, ngayon daw, mas madalas na magka-message na lang sila  sa kani-kanilang cell phone. Pero hindi raw lumilipas ang isang araw na ‘di nila kinukumusta ang isa’t isa.

Currently, bukod pala sa kanyang new album, may ginagawa ring movie si Xian na hindi pa niya tiyak ang title with Coleen Garcia at Nathalie Hart bilang kanyang co-stars.

Directed by Gino Santos, Star Cinema is the producer.

He has been making personal appearance in some key places in Metro Manila and the provinces.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ito raw ang dahilan kung bakit ‘di siya sure kung makakadalo siya sa album launch ng bagong album ni Kim, Touch of Love, kung saan ang carrier single ay Okay na Ako.

Nakatakda itong maganap on September 28 sa SM City North EDSA Skydome. On September 29 kasi, ani Xian, he will be in ano­ther album tour in Vista Mall Bataan.

Of Kim, no need to tell you that she currently plays leading lady with Gerald Anderson in the high rating series, Ikaw Lang Ang Iibigin.

Devon lapitin ng swerte!

Aksidente lang pareho, would you believe Salve A., kung bakit naging contes­tant si Devon Seron sa Pinoy Big Brother (PBB): Teen Clash 2010 at ngayon bilang leading lady sa Korean actors na sina Hyun Woo and Jin Ju-Hyung in You  With Me, na mapapanood na nationwide starting on September 27.

Nagpasama lang pala ang isang kaibigan kay Devon para mag-audition sa PBB.

No need to tell you what happened next. Sa nasabing edition ng PBB kung saan si James Reid ang naging big winner, fourth place naman si Devon.

In the case raw of You With Me, she was not in the list ng mga possible Filipino actress na gaganap bilang leading lady ng pelikula.

“I was a gatecrasher for the audition, kumbaga,” she admitted.

But as Filipino director, Rommel Ricafort said, there was something about Devon. Which, at the outset, make him feel na ideal leading lady siya for You With Me.

A Gitana Film Productions, owned by Maria Teresa Cancio, whose family owned the Goodwill Bookstore, it is the film firm’s first film venture na ire-release internationally. Thus, the production has as co-producers Film Line Production from South Korea and the director’s owned Rommel Ricafort Entertainment.

Korean actors unti-unti nang sinasakop ang local showbiz

Naku, Salve A., with current report that Korean actor  Alexander Lee, leading man ni Heart Evangelista sa ongoing series, My Korean Jagiya, ay kapi-pirma lang ng contract with GMA  7, coupled with this balita rin na si Jin Ju-Hyung, Korean actor na kapareha naman ni Devon Seron sa You With Me, ay interested ding pumirma sa Star Magic, the discover and talent among ABS-CBN, ‘di kaya in time, ma-sideline na ang ­ating mga local actor?

As it is it looks like na, willing ang ating mga local showbiz producers to give them the chances. Let’s face it,  hindi lang sila mga guwapo’t matatangkad, balita ring mga professional sila in the true sense of the word.

Well, based sa mga naririnig natin from Heart and Devon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: