^

Pang Movies

Inah nahirapang maging macho!

SHOWBIZ UPDATE - Pang-masa

First time gaganap ni Inah de Belen bilang isang tibo at ni Martin del Rosario, bilang isang beki sa drama anthology ni Ms. Mel Tiangco na Magpakailanman.

Itinatampok ang love story nina Gemini (Martin), isang beki, mataas, maganda, kontesera, at Myen (Inah) na tibo, maliit. Na-feature si Gemini na winner sa Juan For All All For Juan segment ng Eat Bulaga. Umani ng paghanga sa Dabarkads at televiewers ang love story nila lalo na nang sabihin ni Gemini na gusto nilang magpakasal kapag nakaipon na sila at nakapagsilang na si Myen.

“First time ko pong gumanap na tibo,” sagot ni Inah. 

“Una po, nanibago ako sa role, pero later on, at nang makausap ko nang personal si Myen nang dumalaw sila sa first taping day namin, at inobserbahan ko ang mga kilos niya at ‘yung ikinuwento niya sa akin, in-insert ko sa pag-arte ko kaya hindi na ako nahirapan. Hindi po naman problema sa akin, dahil may mga friends akong tibo at beki. Pero challenge po sa akin dahil babaeng-babae naman ako, kaya I just put myself sa mga eksenang ginawa ko.”

Hindi naman first time ni Martin gumanap ng beki role, pero matagal na raw iyon saka comedy iyong show niya noon. 

“Pinapanood po sa amin ni Inah ang episode na iyon nina Gemini at Myen sa Eat Bulaga para makita naming totoo iyon,” sabi ni Martin. 

“Malaking challenge po sa akin na gumanap ng ganoong role na beki na mai-in love sa tibo. First time rin naming nagkasama ni Inah, at napakahusay din ng acting niya, at saka maganda ang love story nina Gemini at Myen, kaya masarap gampanan ang characters nila.”

Hindi ba takot si Martin na ma-bash na bading siya?

“Hindi po, wala akong tinatanggihang role, kasi kung tatanggi ako parang nilimitahan ko naman ang pagiging actor ko. Hindi rin ako affected kung bina-bash akong beki dahil kilala ko naman ang sarili ko. Hindi ko rin pinapatulan ang mga bashers, huwag lamang kung idadamay nila ang fami­ly ko. Ako na lamang ang i-bash nila, hindi ko sila papatulan.”

Mamayang gabi na mapapanood ang Beki Ka, Tibo Ako, Forever Tayo: The Gemini Naraga and Myen Oronan Story, sa direksyon ni Rechie del Carmen, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

Alexander Lee pursigidong pag-aralan ang Tagalog

Maraming nagulat at natuwa nang papirmahin ng contract si Korean actor Alexander Lee. Maging si Xander ay masaya na Kapuso na siya since nagustuhan na rin niya rito sa Pilipinas at gusto raw niyang mag-explore pa. 

Na-enjoy daw niya talaga ang pagganap bilang si Jun Ho sa My Korean Jagiya. At ang pagtutuunan daw niya ng pansin ay ang matutong magsalita ng Tagalog. Marami-rami na rin daw siyang natutunang Tagalog words.

Love ng K-Drama addicts si Xander lalo na kapag kasama siya sa mga out of town mall show ng kanilang romantic-comedy series. Ang My Korean Jagiya ay napapanood gabi-gabi after Alyas Robin Hood. May bagong dagdag na character na aaba­ngan, si Raymart Santiago, na magiging love inte­rest ni Janice de Belen.      

Rhian, Max, at Lovi patalbugan sa OOTD

Mukhang patalbugan sa kani-kanilang OOTD sina Rhian Ramos, Max Collins, at Lovi Poe sa bago nilang romantic-comedy primetime series na ididirek ni Maryo J. delos Reyes. 

Kilalang pare-parehong magagandang magdala ng damit ang tatlo bukod pa sa talaga namang beauty sila pare-pareho. Sinu-sino kaya ang magiging leading men nila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with