^

Pang Movies

Ibinasura ng DOJ, Vhong lusot uli sa panggagahasa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ibinasura ng DOJ, Vhong lusot uli  sa panggagahasa!

Vhong

Tiyak na makaka­tulog na ngayon ng mapayapa si Vhong Navarro.

Ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang isinampa sa kanyang kasong panggagahasa ng da­ting model/starlet na si Deniece Cornejo kahapon.

Tatlong beses nang kinasuhan ang It’s Showtime host ni Ms. Cornejo pero pawang nababasura.

Kapos umano sa mga ebidensiya ang mga iprinisinta ni Ms. Cornejo sa DOJ para paboran siya.

Maraming natuwang taga-showbiz sa kinahi­natnan ng kaso ni Vhong na matagal ding na-torture sa kinaharap na reklamo.

Siguro naman ay maiisipan na niyang pakasalan ngayon ang girlfriend niyang non-showbiz na nakasuporta sa kanyang mga pinagdaanan.

Maricel para raw umurong ang dila

Nag-iba na ang boses ni Maricel Soriano. Wala na ang dating matinis niyang tili.

Ito ang puna ng mga nakapanood ng trailer ng Maalaala Mo Kaya kung saan siya ang bida sa mapapanood na episode ngayong gabi.

Parang may nabago raw, kaya ang tanong nila may ipinagalaw kaya si Marya?

“Saka parang umurong ang dila niya. Or baka naman na-concious lang siya dahil matagal din siyang napahinga,” puna ng isang showbiz insider.

Matagal-tagal din kasing namahinga ang aktres sa aktingan. Walang nakaaalam kung ano’ng pinagkaabalahan niya nang manahimik siya sa pag-arte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with