^

Pang Movies

Libro ni Rita sinugod ng mga bagets

Vir Gonzales - Pang-masa

Dumating si Ara Mina para sumuporta sa book signing ni Rita Avila na ginanap kamakailan sa MOA.

Napakaraming fans ang dumating sa nasabing international book fair at doon mo mapapatunayan na marami pa rin ang nagbabasa ng libro. Karamihan ay mga estudyante ang tumangkilik sa libro ni Rita.

Mapapansin mo kung sinu-sino ang mga intelehente na mahihilig sa libro. Masaya ang aktres dahil muli siyang sinilip para sumuporta ng anak-anakang si Marian Rivera. Close sa isa’t isa sina Rita at Yan Yan (paboritong tawag kay Marian). At lingid sa kaalaman ng marami, mahilig ding magbasa ng libro si Yan Yan.

Dumating din sa event si Jean Garcia, anak na si Jennica at mister nito na si Alwyn Uytingco na pawang mga bookworm.

Nakasabay ni Rita sa book signing event ang mga libro na likha nina Direk  Joven Tan, Mr. Fu, at Arnold Clavio.

Kahit pagod na pagod, kita naman sa mukha ni Direk Eric Reyes ang saya. Si Eric ang loving husband ni Rita.

Nora makikipagtawanan Kina AiAi at Marian

Special guest si Superstar Nora Aunor sa dara­ting na October 1 sa Sunday Pinasaya ng GMA 7. Kasabay ito ng 50th anniversary in showbiz ni Guy at this early, marami na ang nagpapasalamat dahil makikita nila in one stage sina Marian, Guy at AiAi delas Alas.

Ipakikita ni Guy na hindi lamang drama ang kanyang forte dahil may ibubuga rin siya sa pagkokomedya.

Malapit na ring simulan ni Guy ang pagdidirek na matagal na niyang pangarap. Ang said film ay tatampukan nina Paolo Ballesteros at Fanny Serano.

Empoy hahatulan kung hindi pang isang pelikula lang ANG pagsikat

Ipapalabas na sa October 4 ang pelikula ni Empoy Marquez na unang directoral job ni Dennis Padilla, ang The Barker. Leading lady ni Empoy si Shy Carlos sa movie na produced ng Black Page Production.

Ngayon mapapatunayan kung talagang made na si Empoy kapag kumita ang ikalawang pagbibida niya.

Aljur ‘di pa pasado ang akting?

Bagong salta pa lang si Aljur Abrenica sa ABS-CBN pero sumubok na agad siya sa mabibigat na role gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano at kamakailan nga ay sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Ang ibang Kapamilya artists kasi ay bumibilang pa ng taon bago makaarte sa MMK pero si Aljur nga ay mabilis na sumabak sa said drama anthology.

Mistulang pelikula ng Sampaguita Pictures ang role na ipinagaganap kay Aljur – barumbadong anak ni Chanda Romero na lasenggong asawa rin. Gumon sa alak ang ipinakita niyang pagganap sa istorya.

Pero ang tanong, nakapasa kaya sa panlasa ng mga tagahanga ang acting niyang ipinakita?

Hindi lang kasi mga muscle at abs ang pruwebang magaling kang artista. Kailangan din kasi ng puso at emotion.

                                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with