^

Pang Movies

Marian nagpapatikim pa lang

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ni Marian Rivera sa Super Ma’am, pinatunayan niyang siya pa rin talaga ang maaasahan pagdating sa pagbibida sa primetime. Sumugod sa Twitter ang fans at ipinarating ang suporta sa pinakabagong serye ng Kapuso Network. Trending topic ang Super Ma’am dahil bawat eksena ay kinokomentaryuhan ng mga netizens.

Napabilib ng show ang mga viewers dahil bukod sa special effects nito ay marami pang lessons ang pwedeng matutunan ng mga kabataan. Aprub sa kanila ang kwela at pagpapatawa ng mga karakter at inaabangan na agad ang fight scenes ni Marian. Puro patikim pa lang kasi ang nakikitang eksena ng mga viewers sa kanyang pakikipaglaban kaya hinihintay na nila ang full-fledged superhero image ng Kapuso Primetime Queen lalo na ang makabago niyang costume.

AiAi kulay pula ang isusuot sa kasal?!

Nakakahawa ang magandang aura ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas dahil kita sa kanyang mga ngiti ang pagiging in love.

Sa nalalapit niyang kasal, damang-dama na ang excitement niya at ipinakita niya nga ito sa kanyang Instagram account.

Kamakailan lang ay kumalat ang prenup photos nina AiAi at Gerald Sibayan kung saan nakasuot siya ng red gown.

Marami tuloy ang nagtatanong, nakapula kaya siya sa kanyang kasal? Reyna naman kasi ng paandar ang Comedy Queen kaya inaabangan na kung ano ang mga pasabog niya sa kasal.

Bukod sa kasal ay inaabangan na rin ang pagbabalik nila ni Bossing Vic Sotto sa weekend primetime, at exciting ang paparating nilang show dahil balita naming patalbugan sila sa mga hirit. Hindi lang din ito parang stand-up comedy or sitcom lang dahil isa itong game show.

                              

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with