^

Pang Movies

Boxing legend na si Jake LaMotta binawian ng buhay sa nursing home

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sumakabilang-buhay na ang boxing legend na si Jake LaMotta sa edad na 95.

Ginawang pelikula ang buhay ng pamosong boksingero noong 1980 at may titulo itong Raging Bull. Ang Hollywood veteran actor na si Robert De Niro ang gumanap bilang Jake at napanalunan nito ang Oscar best actor.

Sa isang Miami-area nursing home pumanaw si Jake dahil sa ilang kumplikasyon nito dulot ng pneumonia, ayon sa kanyang fiancée na si Denise.

May record na 106 professional bouts si Jake kaya siya nakilala bilang Bronx Bull. Sa Bronx, New York na-develop ni Jake ang kanyang rough-house boxing style na siyang nagpanalo sa kanya ng world middleweight title. May scorecard ito na 83-19-4. 30 knockouts in 13 years. Pinaka-memorable na laban ni Jake ay nang makaharap niya sa boxing ring si Sugar Ray Robinson.

Nasira ang boxing career ni Jake noong 1950 nang kumalat ang balitang binenta niya ang kanyang laban at nagkaroon pa ng imbestigasyon ang US Senate committee dahil malalaking pangalan mula sa ilang organized crime lords ang involve.

Nag-retire sa boxing si Jake noong 1954 at naging nightclub owner ito at gumawa ng maraming TV commercials.

Starstruck alumnus may dental clinic na

Kaya pala biglang nawala sa showbiz scene ang first runner-up ng Starstruck 2 na si CJ Muere ay dahil tumutok ito sa kanyang pag-aaral sa kurso na dentistry sa Centro Escolar University.

Kailan lang ay nagbukas na si CJ ng kanyang unang dental clinic at dumalo rito ang nakalaban niya at ang nanalo sa Starstruck na si Mike Tan.

Masaya si Mike na kahit hindi pinagpatuloy ni CJ ang kanyang showbiz career, natupad naman nito ang dream nito na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng sariling dental clinic.

Mga naging ka-batch ni CJ sa Starstruck 2 bukod kay Mike ay sina Miss World 2013 Megan Young, Urian best actress LJ Reyes at ang primera kontrabida ng afternoon teleserye na si Ryza Cenon na nanalo bilang ultimate female survivor.

Na-link noon si CJ kay Ryza at pinagsama sila sa mga GMA shows na Darna, Love To Love, Now & Forever: Mukha at Ay! Robot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with