^

Pang Movies

Sunshine gusto nang maging legal ang romansa kay Macky

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mas open na nga ngayon sa kanyang personal na buhay si Sunshine Cruz. Inaamin na niya sa publiko na mayroon na siyang boyfriend, si Macky Mathay. Pero pareho pa silang naghihintay ng annulment ng kanilang mga naunang kasal bago ika nga maging legal ang kanilang relasyon.

Kasundo naman daw ni Macky ang tatlong anak ni Sunshine. Kung makikita mo nga ang mga picture sa mga bakasyon nila, mukhang mas kumpor­table pa ang mga anak ni Sunshine na kasama si Macky kaysa kay “you know who”.

Mahal na mahal din daw kasi ni Macky maging ang tatlong anak ni Sunshine.

Talagang ganoon, basta mahal mo ang isang tao, mamahalin mo rin ang lahat ng may kaugnayan sa kanya. Ganoon din naman si Sunshine na open magkuwento kung gaano rin niya kamahal ang mga anak ni Macky.

Napagsasama na nga nila ang kani-kanilang mga anak at nagkakasundo naman ang mga iyon.

Nagkakaroon ng delay ang petition for annulment ni Sunshine, pero naniniwala siyang sooner or later ay dara­ting din iyon. 

Sa parte ni Sunshine, sinasabi niyang palagay niya ay mas tama namang aminin ang kanilang relasyon ni Macky. Hindi naman kasi mapipigilang may makakita sa kanila na magkasama. Ayaw naman daw niya nang itina­tago-tago pa sa publiko ang kanilang relasyon.

“Bakit ko naman itatago, ikahihiya ko ba ang ganoong relasyon? Siguro kung ikinahihiya ko ita­tago ko, pero hindi naman eh,” ang natatawa pang sabi ni Sunshine. Oo nga naman.  

Atom type ding umarte-arte

Nagbalik na si Atom Araullo sa GMA 7. Wala naman siyang reklamo sa inalisan niya, pero siyempre ang dahilan lang naman kaya ka lumilipat ay dahil nag­hahanap ka pa ng growth sa iyong career na pinaniniwalaan mong maaari mong maabot kung lilipat ka.

Ngayon, hindi lamang news reporter o newscaster si Atom, artista na rin kasi siya. May pelikula na siya at maipagmamalaki pa niyang si Mike de Leon ang kanyang director. Sa feedback na narinig namin, mahusay rin daw umarte si Atom, kaya huwag kayong magtaka kung makita rin ninyong umaarte si Atom pagdating ng araw, bukod sa paghahatid niya ng mga balita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with