^

Pang Movies

Sarah hinihintay kung sisipot sa Germany; alaala ni Alden dadalhin sa abroad!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muling magkasama sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Pambansang Bae Alden Richards sa second leg ng kanilang Cebuana Concert na magaganap naman ngayong September 22, sa Hoops Dome sa Mactan Island, Cebu.  Last September 1, punung-puno rin ang Mall of Asia Arena sa first leg ng kanilang concert tour. Sinu-sino kaya ang makakasama nina Sarah at Alden na magpapasaya sa mga taga-Cebu ngayong gabi?

Meanwhile, excited na ang fans ni Sarah kung anu-ano ang mga awards na tatanggapin niya sa Daf BAMA Music Awards 2017 dahil nominated siya sa four categories: BAMA’S Best Female, Best Asian Act, Best Filipino Act at BAMA People’s Choice Award. Gaganapin ang awards night sa November 17 sa Barclaycard Arena, Hamburg, Germany.  Dadalo kaya si Sarah?

Si Alden naman ay kababalik lamang Thursday morning mula sa Batanes para sa Miss Millennial Philippines 2017 ng Eat Bulaga, na magaganap ang coronation sa September 30 sa Mall of Asia Arena. 

Non-stop work na naman si Alden dahil after ng EB last Thursday, magkasama sila ni Maine Mendoza na nag-taping naman para sa isang show. Thankful si Alden na pagbalik niya from Batanes, nalaman niyang magkakaroon ng worldwide screening ang ginawa niyang documentary para sa GMA News & Public Affairs na Alaala: A Martial Law Special.  Simula sa September 23, ipala­labas ito sa mga lugar sa buong mundo na mayroon GMA Pinoy TV, sa Asia, Australia, UAE, Italy, Saudi Arabia, United Kingdom, US and Canada.

San Juan at ilang mag-aawit nagtanghal para sa Marawi

Patuloy na gumagawa ng paraan ang ating mga kababa­yan para makatulong sa rehabilitation ng Marawi City at sa mga pamilya ng mga sundalong lumalaban doon. Marami na rin tayong mga artista na bumisita roon na nagpasaya at nagbigay ng tulong.           (sundan sa pahina 5)

 

 Isa ang City of San Juan na nag-organize ng isang benefit concert titled San Juan Para Sa Marawi, last September 20, nagpasalamat si San Juan City Mayor Guia G. Gomez sa lahat ng mga sumuporta na pumuno sa Filoil Flying V Centre in San Juan City. 

Nagpasalamat din si Mayor Guia sa lahat ng concert artists na nagbigay ng kanilang suporta sa benefit concert na organized ng San Juan Jaycees headed by Senator JV Ejercito at produced ng Music Museum na siyang nag-imbita sa mga artist performer na sina Basil Valdez, Ms. Celeste Legaspi, The Company at Maestro Ryan Cayabyab.

Nag-compose si Vehnee Saturno ng awit para sa Marawi at nilapatan ito ng musika ni Maestro Ryan at inawit ng The Voice Kids finalist na si Esang de Torre, na personal nitong inawit at kasama rin ang ibang artists, habang ipinakikita ang kabuuan ng Marawi City devastated by the Maute group.

Naging special guest si former President and Manila Mayor Joseph Estrada, at nagsidalo rin ang Iligan Jaycees.  Tumulong din sa ticket sales ang mga Muslim traders in Greenhills.  Lahat ng proceeds ng concert ay iti-turn over sa mga namamahala sa welfare ng mga sundalo at ng kanilang pamilya sa Marawi City.

Renz hindi na interesado kay Kris

Ngumiti lamang si Renz Fernandez nang biruin namin kung ano ang feeling niya na muli silang magkasama ngayon ng niligawan niya noon na si Kris Bernal sa Impostora.

Wala raw naman, dahil friends naman sila, basta bumilib daw siya kay Kris na tinanggap nito ang dual role kahit sinasaktan din niya ang sarili.

Nang matanong kung balak ba niyang ligawan muli si Kris, sabi ni Renz ay wala na dahil friends naman na sila.

Sa ngayon, mas gusto raw niyang magtrabaho kaya thankful siya sa GMA dahil nagkasunud-sunod din ang work niya. Dream daw kasi niyang makapagpatayo ng sariling bahay mula sa paghihirap niya sa trabaho. Katatapos din lamang ni Renz na mag-taping ng isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with