^

Pang Movies

Toni tumangging magsalita sa landian nina John Lloyd at Ellen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Toni Gonzaga na medyo nalungkot siya na hindi natuloy ang tele­serye nila ni Piolo Pascual.

“Ang tagal ko rin gustong makatrabaho si PJ sa TV. Hindi kami nagti-TV ever since. Siguro ang feeling ko ay pampelikula lang kami. Baka ‘yun ang gusto ni God,” pahayag ni Toni sa presscon ng reunion movie nila ni Piolo na Last Night showing on September 27 mula sa N2 Productions, Spring Films at Star Cinema.

Matatandaan na naging blockbuster ang una nilang movie na Starting Over Again. At kahit nga hindi natuloy ang teleserye nila, ito namang Last Night ang pumalit.

Sa nasabing presscon ay nahingan din ng reaksyon ang TV host/actress ng reaksyon sa kontrobersyal na rumored relationship ng co-stars niya sa Home Sweetie Home na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.Pero ayon kay Toni, ayaw daw niyang magkomento pa tungkol dito  dahil hindi raw siya involved.

“Hayaan na lang natin,” sambit niya.

Kung saan daw happy sina John Lloyd at Ellen ay okey sa kanya.

Kumusta sila sa set ng Home Sweetie Home? Wala namang pagbabago?

“Wala. Tanungin niyo si PJ,” pag-iwas niya. “Siyempre, iba ‘yung trabaho, iba yung personal na buhay. Trabaho lang naman ako so wala akong masasabi,” pahayag pa niya.

“Basta sa set, masaya kami. Family kami kasi three years na ang Home Sweetie Home,” sagot niya.

Ano ang comment niya sa hiling ng ilang netizens na dapat ay tanggalin na raw sa HSH si Ellen?

“Honestly, hindi ko alam ang part na ‘yan. Sobrang tutok ako sa ‘Last Night, hindi ko siya masyadong mapagtuunan ng pansin,” saad pa niya.

Sanya pinanindigan ‘di pa nalalawayan ng lalaki!

Successful ang premiere night ng pelikulang Amalanhig : The Vampire Chronicle na ginanap sa Cinema 3 ng Robinsons Galleria Cinema na pinagbibidahan nina Jerico Estregan at Sanya Lopez.

Dinumog ng fans ang premiere screening at nag-SRO (Standing Room Only) ito’t ang iba’y sumalampak na nga lang sa sahig.

In fairness to Sanya, nakarating naman ang Kapuso star kahit na nga umikot ang tsismis na may banta ang Kapuso network na idedemanda siya for breach of contract kapag dumalo siya sa preem night.

Nilinaw naman ni Sanya ang tungkol sa issue.

“Actually nagkaroon po ng conflict noong umpisa. So medyo nahihirapan po ang kabila na payagan po ako. Pero naging okey na rin naman po sa kanila nitong huli na. Pinayagan po nila kong mag-promote at magpunta sa premiere.”

First movie ni Sanya ang Amalanhig kaya excited daw siyang talaga sa horror-suspense movie nila.

Natawa si Sanya nang sabihin dito na may crush pala sa kanya ang leading man na si Jerico Ejercito. Eh, consistent si Sanya sa pagsasabing hanggang ngayon, never pa siyang nagkakaroon ng boyfriend. Pero tingin naman daw niya, puwedeng-puwedeng maging boyfriend material si Jerico.
Aniya, “Sa tingin ko naman po, yes, yes. Kasi noong time na magkatrabaho kami, sobrang maalaga siya.

He’s very gentleman at nakita ko naman ‘yun sa kanya. Mukhang seryoso naman siya pagdating sa relationship.”

Kasalukuyang palabas na sa mga sinehan ang Amalanhig: The Vampire Chronicles mula sa Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with