Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaya nagwawala-wala? John Lloyd nai-insecure sa mas batang Kapamilya actors!

John Lloyd Cruz

MANILA, Philippines — May mga nagkokomento na wala namang kasalanan ang Cebuanang sexy actress na si Ellen Adarna kung natataranta sa beauty niya si John Lloyd Cruz.

Kahit sino naman kasing lalaki ay hindi maaaring ‘di maakit sa ganda at kaseksihan ni Ellen. Imagine, kahit ang presidential son na si Baste Duterte ay nahumaling din kay Ellen.

Tanging mga paminta (read: pa-men) o bading lang ang hindi maaakit sa alindog ng sexy actress.

Anyway, nasa tamang edad na si John Lloyd para gumawa ng pagkakamali.

May tsika pa lang medyo nai-insecure si John Lloyd sa mga young actors ng Kapamilya network. True kaya ito?

Samantala, kakabugin pa yata ni Empoy Marquez si John Lloyd na kamakailan lang ay pumirma na ng kontrata sa Star Cinema.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

That’s life, once galing ka sa itaas ang tendency na susunod na step ay pababa naman. Subalit marami ang humuhula na maibabalik niya ang suwerte kung kakalas siya kay Ellen na nega ang dating sa mga taga-showbiz. Tingnan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil kamakailan lang, magkasama na naman sina Ellen at John Lloyd sa isang sosyal na spa resort sa Batangas. Kung pagbabasehan ang social media posts/stories ng dalawa, masasabing halos araw-araw na silang magkapiling. Matunog na “baby love” rin ang terms of endearment nila.

Boses ni Coco umalingawngaw nang idirek si Lito

Wala talagang imposible sa showbiz. Sinong makakapagsabing darating ang araw na ‘ididirek’ ni Coco Martin si former Sen. Lito Lapid sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa shooting nito sa Quiapo?

Umaalingawngaw ang tinig ni Coco habang nagdidirehe. Blasting kasi ang eksena na may mga pagsabog kaya mapa­nganib kung hindi ito tututukang mabuti.

Nagpapasalamat naman si Coco sa pagbibigay ng payo ni Lito sa kanya bilang suporta.

Kwento ni Coco, marami siyang natutunan kay Double L at mapapakinabangan daw niya ito sa idinidereheng pelikula na Ang Panday na siya rin ang bida. Ilalahok ito sa darating Metro Manila Film Festival.

Imelda alagang-alaga ang mga kasamahan

Na-touch kami sa pahayag ng Actor’s Guild president na si Imelda Papin noong ganapin ang medical mission sa SSS building kasabay ng pagpapa-blessing sa kanilang office.

Marami kasing mga artista at mga kaibigan ang dumalo sa nasabing event at nang duma­ting na ang pananghalian, tinutulan ni Imelda ang instruction na pipila para makakuha ng pagkain. Sa halip, ipinahatid niya ang mga pagkain sa mga lamesa ng mga dumalo.

Ayaw daw kasi niyang papipilahin pa para lang makakain ang mga kapatid niyang doktor na sina Dr. Rosendo Papin, Jr. at Dra. Babyrose Papin.

Ilan sa mga celebrity na nag-ambag sa kasayahan ay sina Token Lizarez, Rhey Roldan, Aimee Torres, ang beteranang aktres na si Angie Ferro, Alma Concepcion, Deborah Sun, Susan Henson.

Walang umuwing luhaan dahil may ipinamigay na alaala si Imelda para sa mga kapatid sa showbiz.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: