^

Pang Movies

Todo pasa kay Ellen John Lloyd kinaiinggitan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Todo pasa kay Ellen John Lloyd kinaiinggitan!

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Bakit ba may mga taong gigil na gigil kung nakikita mang nagde-date sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna? Sino nga ba ang nagsasabing hindi sila bagay? Siguro nga magkaiba ang kanilang image, pero nasa tamang edad na sila. Bahala sila sa buhay nila at walang dapat makialam doon kahit na saan pa sila magpunta, at ano man ang gawin nila. Habang hindi nasisira ang trabaho ng kahit na sino sa kanila, walang may karapatang makialam sa kanila.

Aywan kung bakit naman sa tuwing malalaman nilang may girlfriend si John Lloyd, gigil na gigil din sila. Hindi ba noong maging syota rin ni John Lloyd si Ruffa Gutierrez galit na galit din ang ibang mga tao at lahat ng sisi at paninira ay inabot din ni Ruffa?

Pero alam ba ninyo na iyong mga lalaki inggit na inggit naman kay John Lloyd noong maging syota niya si Ruffa, at ngayon si Ellen Adarna?

Vilma legit ang pananalong best actress

Pinasyalan ng PEP editors si Congresswoman Vilma Santos para iabot sa kanya nang personal ang isang tropeo na kumikilala sa kanya bilang best actress para sa kanyang performance sa pelikulang ginawa rin niya noong nakaraang taon, ang Everything About Her. Nauna riyan, siya rin ang pinili ng mga entertainment editors ng lahat ng mga pangunahing diyaryo bilang best actress din nila sa The Eddys.

Hindi na siya puwedeng best actress sa Urian dahil naka-walong best actress awards na siya, kaya ang idineklara nilang best actress ay si Hasmine Killip, pero binigyan pa rin siya ng Natatanging Gawad Urian bilang pagkilala sa kanyang kahusayan.

Nabanggit lang namin ang lahat nang iyan dahil sinasabi nga ng marami na itong taong ito, mukha ngang si Ate Vi ang siyang napipili ng mga editors at ng mga lehitimong mga kritiko ng pelikulang Pilipino. Hindi siya iyong nananalo lamang sa mga hotoy-hotoy na awards, na hindi mo malaman kung saan galing at saan patungo. Aba, iyong mabigyan ka lamang ng kahit isang award na masasabing lehitimo, ibinigay sa iyo na walang ibang basehan kung hindi kahusayan, hindi iyong “kundisyon lang”, malaking karangalan iyon. Pero kung ang award ay galing sa “isang kundisyon” o kaya naman ay “aregluhan” lamang, kahihiyan pa ang dala noon. Iyan ang malaking kaibahan.

Kaya iyang awards, hindi paramihan. May binabagayan iyan. Kung ikaw ay isang artista lamang sa isang stage play sa high school, aba basta binigyan ka ng award ng iskuwelahan mo malaking bagay na iyon. Pero iyong palagay mo ay lehitimong artista ka, ginawa kang best actress halimbawa sa pista ng isang baryo sa Cabanatuan, aba eh mag-isip ka muna kung ano iyon. Baka naman iyong pelikula mo ay ipinalabas lang sa isang kamalig doon, gamit ang isang video projector at naningil ng sampung piso sa mga nanood. Tapos sasabihing best actress ka ng baryo nila, aba eh nakakatawa.

Namayapang actor na si Ernie Zarate familiar sa mga mahilig sa sine

Basta papel ng isang mayamang don, o kaya ay isang abugado, doctor, pari o basta role na kagalang-galang, asahan na ninyo malamang na maisip nilang kuning artista si Mang Ernie Zarate. Pero ngayong yumao na rin si Mang Ernie, mapipilitan silang ipagkatiwala na sa iba ang mga ganoong role.

Hindi naging bida sa pelikula si Mang Ernie. Ni hindi siya halos nabibigyan ng publisidad, pero sikat siya sa mga mahihilig sa pelikula at serye sa telebisyon dahil laging markado ang kanyang mga role.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with