^

Pang Movies

Alden dinidiktahan na ng fans?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kung kami nga ay hindi namin kinakaya ang mga pangba-bash kay Alden Richards, paano na ang aktor mismo? Heto’t may bago na namang batikos ang mga bashers sa kanya at ito ay dahil lang sa gumanap siya bilang aktibista ng Martial Law sa Alaala: A Martial Law Special na ipinalabas sa GMA-7 last Sunday.

Sa nasabing special bilang pag-alala sa 45th anniversary ng Martial Law sa ilalim ng rehimen ng dating President Ferdinand Marcos, ginampanan ni Alden ang papel ng dating aktibista na si Boni Ilagan.

Bagama’t maganda naman ang pagkaka-portray ni Alden ng kanyang papel, hindi nagustuhan ng marami ang pagkakaganap ng aktor bilang isang Martial Law activist at inakusahan siya na ginagamit ang kasikatan para siraan ang Marcos administration.

Ang iba naman ay nagbanta na ibo-boycott siya sa Ilocos na alam nating lalawigan at balwarte ni dating Pres. Marcos.

May nagkomento ring “waste of time” raw ang pagtanggap ni Alden sa nasabing papel.

Pero ayon kay Alden, siya ay isang aktor lang naman na naatasan na gumanap ng isang natatanging papel.

“As an actor, responsibilidad namin na ma-deliver ang anumang role or character na hinihingi sa amin.  Parte po ito ng trabaho namin. Whatever our roles doesn’t define us with our own character and beliefs.  Nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood at nagkagusto sa naging performance ko sa ‘Alaala.’  At sana marami pa akong opportunity na makagawa ng mga makabuluhang proyekto,” ang statement ni Alden na ibinigay kahapon sa kaibigang writer na si Roldan F. Castro.

Sinabi rin ng aktor na inirerespeto naman niya ang opinyon ng lahat pero kailangan ding maintindihan ng publiko na siya ay isa ring aktor na hindi dapat malimitahan sa mga role na pwede niyang gampanan.

Para sa amin, ang OA ng mga hanash na ito ng mga bashers kay Alden. Pati role ng aktor ay pinagdidiskitahan nila ngayon. Paano kung killer, drug addict, baliw at iba pang off-beat ang gampanan niya? Babatikusin din nila at iisiping ganu’n din siya in real life?

Eula at Mylene pinaghandaan ang sagupaan

Nakakatuwa ang kwento ni Eula Valdez tungkol sa eksena nila Nash Aguas na gumaganap na anak niya sa The Good Son.

“May dalawang eksena, actually. ‘Yung una, nag-prepare siya, sobra. Nahirapan siya. Sabi namin, ‘wag mo masyado isipin’. Nago-overthink siya masyado doon sa gagawin niya.

“Dumating nga sa point na pumunta pa sa park para mag-prepare. Mag-motivate sa eksena niya,” sabi ni Eula.

Sa TGS, ang laging ka-eksena ni Eula ay sina Nash at Jerome Ponce dahil ito ang kanyang mga anak sa serye.

“Si Jerome, may mga times na nahihirapan siya pero siyempre, aside from si direk, hindi papayag, ako hindi rin ako papayag na hindi niya makuha.

“And na-appreciate ko naman na hindi rin sila tumitigil ng pag-try until makuha nila or feeling nila na satisfied na ang direktor. Kasi, para rin sa kanila naman ‘yun. At saka nakakatuwa na nagtatanong din sila,” pahayag ni Eula.

Ano naman ang masasabi niya na pinaghandaan siya ng co-star at karibal niya sa kwento ng serye na si Mylene Dizon?

“Siya rin naman, pinaghandaan ko. Very accomplished na actress itong si Mylene. Ma­suwerte ako na ang mga katrabaho ko ngayon ay magagaling, si Albert (Martinez) din, ang sarap nilang kaeksena. Mas napapadali ‘yung trabaho mo,” she said.

Sa TGS ay sila nina Mylene, Albert and John Estrada ang mga seasoned actors na magtata­gisan ng galing kasama ang mga magagaling ding Kapamilya young actors na sina Joshua Garcia, Nash, Jerome, McCoy de Leon, Elisse Joson, Loisa Andallo and Alexa Ilacad.

Magsisimula na ang serye sa Lunes, Sept. 25

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with