^

Pang Movies

Ginawan na rin ng script, Kim at Bela ibang level ang closeness!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ginawan na rin ng script, Kim at Bela ibang level ang closeness!

Kim Chiu at Bela Padilla

Sa Magandang Buhay na-reveal na dalawang buwan na palang as close as can be bilang magkaibigan sina Kim Chiu at Bela Padilla. At kaya raw siguro naging instant friends sila ay dahil they share something in common: they both love to laugh.

Si Bela, as we all know, ang may akda ng kuwento ng soon-to-be released reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang Last Night.

Nang matanong kung may balak siyang sumulat ng kuwentong pampelikula, na si Kim ang bida, ang naging maliksing sagot ni Bela, actually, mayroon na raw. Matagal na daw kasi siyang tagahanga ni Kim bilang artista.

Melai balik-trabaho pagkaluksa

Back na bilang host ng weekdays morning talk show na Magandang Buhay si Melai Cantiveros today. Ito’y ayon sa kanyang mga co-host na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Well, ayon sa official publicist ng Dreamscape Entertainment, which produces Magandang Buhay, na si Eric John Salut, kinailangan daw umuwi ni Melai ng General Santos City, dahil namatay ang favorite lola nito.

Mga one week or more rin siyang hindi napanood sa Magandang Buhay.

At bagama’t marami ang naka-miss sa kanya, na-‘carry’ naman nina Karla at Jolina ang programa.

Kaya, congratulations to the both of them.

Jerome Ponce umaming may mga kapatid sa labas

Relate na relate raw, Salve A., si Jerome Ponce sa kanyang role bilang anak na openly ay alam na may mga kapatid siya sa ama pero iba ang ina sa upcoming series ng ABS-CBN, The Good Son. And he need not explain why daw, further.

Well, sa The Good Son na produced ng Dreamscape Entertainment headed by Deo Edrinal, gaganap siyang kuya kay Nash Aguas. Si Eula Vadez naman ang gaganap na ina nila.

It was when their father (Albert Martinez) died, na matutuklasan nilang may anak pala ito sa ibang babae (Mylene Dizon), na ginagampanan naman ni Joshua Garcia. May isa pang half brother si Joshua sa serye na gagampanan naman ni McCoy de Leon.

Lalong magiging malaking problema sa apat, yes, kasama si McCoy, ang pagkatuklas na ang ikinamatay ni Albert ay dahil nilason ito. At ang pinagbintangang gumawa nito ay isa sa apat.

Naiintindihan daw ng dalawang brilliant directors ng The Good Son, sina Manny Palo at Andoy Ranay, kung napi-pressure ang apat na young actors ng The Good Son, sa mga role na na-assign sa kanila. But one thing they both can assure televiewers, magagaling ang apat na umarte.

Masaya sina Direk Manny at Andoy na bukod sa apat at kina Eula & Mylene na ang galing bilang mga performers ay hindi puwedeng tawaran, kasama pa rin sa cast ng The Good Son sina John Estrada, Ronnie Lazaro, Jeric Raval at Liza Lorena.

May featured roles naman ang promising Kapamilya female talents na sina Loisa Andalio, Elisse Joson at Alexa Ilacad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with