^

Pang Movies

Richard isang taong kinulit si Sarah bago nabuntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Richard isang taong kinulit si Sarah bago nabuntis!

Richard Gutierrez, Zion at Sarah Lahbati

In a phone patch interview with ABS-CBN, masayang-masayang ikinuwento ni Sarah Lahbati kung gaano sila kasaya ni Richard Gutierrez ngayong magkakaroon na sila ulit ng panibagong “anghel” sa pamilya.

Yes, magiging kuya na ang panganay nilang anak na si Zion dahil kasalukuyang nagdadalang-tao si Sarah at nakatakdang magsilang sa April, 2018.

Inanunsyo nina Richard at Sarah ang magandang balita last Monday sa episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na reality show ng kanilang pamilya na napapanood sa E! Channel.

Ayon kay Sarah sa panayam ng ABS-CBN, sobrang happy nila na nabigyan ulit sila ng panibagong blessing.

“Tamang-tama lang ang panahon na nagbuntis ako ngayon because Zion is 4 years old na and actually, araw-araw niya ako kinukulit, ‘Mama, I want a brother, I want a sister’, so of course, we’re very happy and excited to find out whether I’m having a boy or a girl,” sey ni Sarah.

Ayon pa sa aktres, matagal na raw nilang alam na preggy siya at sinadya muna nilang huwag ipaalam sa publiko.

“Matagal na naming alam pero itinago muna namin kasi parang nagkakaroon ng complications noong una. Nag-bed rest muna ako. Nang sinabi ng doctor na ‘okay na okay na ang heartbeat, gumagalaw na, pwede ka na mag-work ulit and go on with your routine’, ayun, doon namin plinano na i-announce.”

Ano ang reaksyon ni Richard nang una niyang malaman?

“Very happy. Matagal na siya nagpaparinig sa akin, matagal niya ginusto ito na magkaroon ng kapatid si Zion, last year pa. Pero I think now is the right time.”

Nang tanungin kung boy or girl ba ang gusto nila, sey ni Sarah, “basta healthy na baby, okay na ako, masaya na ako. Siyempre, gusto nila Chard, kung pwede, magka-babae ako, that would be wonderful, kumpleto na kaming family. Let’s see, let’s see.”

Sa pangalawang pagkakaton ng kanyang pagbubuntis, sey ni Sarah ay mas mahirap daw ngayon.

“Physically, medyo mas mahirap ngayon pero mentally, mas madali kasi alam ko na kung ano ang i-expect ko sa changes ng body ko. With Zion kasi, napakamaselan ko, hindi makalabas ng kwarto, konting amoy lang ng ganito, I need to go to the toilet pero ngayon, mas nadadalian na ako.”

Sa Chinese food daw siya naglilihi ngayon.

“Oh my gosh, yes grabe! Ang hilig ko sa Chinese food ngayon lalo ‘yung hakaw dim sum na may spicy sauce at ‘yung corn soup.”

Dahil buntis siya, siyempre, expected nang medyo maghihinay-hinay siya sa pagtatrabaho.

“Magtatrabaho pa rin ako pero slow down lang. Ayoko naman na may mangyari sa akin at sa baby. ‘Yung pagsasayaw, mas kalmado na lang muna. ‘Yung sayaw ko last Sunday (sa ASAP), last muna ‘yun siguro. If I’m gonna dance, kalmado lang muna,” sey ni Sarah.

Umaming nakailang take, Joshua nabulul-bulol sa mga eksena kasama ang mga beterano

Isa sa most applauded scenes sa first 3 episodes ng The Good Son screening ay ang rebelasyon na anak nga ni Victor (Albert Martinez) si Joseph (Joshua Garcia). Sa nasabing eksena ay napakahusay ng ipinakitang pag-arte ng dalawang aktor kasama si Mylene Dizon.

Kahit bata pa si Joshua, nakasabay siya sa dalawang napakahusay na senior stars at kahit kami, habang pinapanood namin ay halos mapatayo kami sa aming upuan sa napakatensyong eksena na ‘yun.

Pero ayon kay Joshua, nang kinukunan ang nasabing eksena ay sobrang kabado siya at intimidated kina Mylene at Albert kaya buckle raw siya nang buckle nang time na ‘yun.

“Ang daming take po nu’n,” kwento ni Joshua na inayunan ni Direk Manny Palo.

“Madami, hindi ko na matandaan din, gusto ko na siyang hampasin,” sabi ni direk Manny.

“Kasi ano ‘yun, eh, parang sapawan ng lines, sobrang confrontation scene, nagba-buckle po ako and at the same time, nai-intimidate din po ako sa mga kaeksena ko,” sey ni Joshua.

Sa totoo lang, panalo sa ganda ang first three episodes ng The Good Son. Nakauwi na kami ay hindi pa rin talaga kami maka-get over sa sobrang ganda ng serye. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapanood ng ganito kagandang drama series na talagang mamamangha ka sa husay ng direksyon, ng kwento at ng performance ng mga artista.

Magsisimula na sa Sept. 25 ang The Good Son sa Primetime Bida ng ABS-CBN replacing A Love To Last na tinampukan nina Bea Alonzo, Ian Veneracion, Iza Calzado, Julia Barretto among others.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with