^

Pang Movies

Jinggoy gustong makabalik sa senado!

Joe Barameda - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong nakalaya na si Senator Jinggoy Estrada ay si Senator Bong Revilla naman ang concern namin dahil wala na doon ang matalik na kaibigan niya. Sa tatlong taon naming pagbisita sa dalawa ay kitang-kita namin ang pagi­ging kampante nilang dalawa na madalas binibisita ng mga kaibigan na para lang mga seminarista na nakakulong sa seminaryo. Kaya sa mga panahong ‘yun ay masaya kami sa dalawa na kahit sila ay nakapiit, naging abala sila sa kung anu-ano at mabilis matapos ang isang araw na haharapin ulit ang kinabukasan.

Pero ngayong nag-iisa na doon ni Senator Bong  ay hindi namin maiiwasan ang mapaluha noong isang araw nang sunduin namin doon si Senator Jinggoy para samahan sa Sandiganbayan para pirmahan ang mga dokumento para sa pansamantalang paglaya niya. Sobrang galak naman ang pamilya ni Jinggoy at naghiyawan nang makalabas na ng gate ng Camp Crame papuntang Sandigan.

Noong Sabado ay ipinasyal agad nila ang ama at nag-dinner sa labas. Wish namin na sana mabigyan siya ng posisyon ni President Rodrigo Duterte para may mapagka-abalahan siya habang naghihitay sa susunod na election. Alam namin na gusto muli ng senador na makabalik sa senado at ‘yun ang forte niya. Welcome back to the real world Senator Jinggoy.

Marian natupad ang wish

Timing ang pagdalo ni Marian Rivera-Dantes sa Gabay Guro Foundation ng PLDT nitong Linggo. Swak ito sa Super Ma’am na nagsimula nang ipalabas kagabi after ng 24 Oras sa GMA 7. Si Marian na nangarap ma­ging guro ay matutupad kahit man sa telenobela na may halong kababalaghan na tutulong sa mga naapi. Kaya laging masaya sa set ng Super Ma’am sa dami ng tini­tingalang cast na beterano sa showbiz at sa bagong talent na si Matthias Rhoads bilang leading man ni Marian.
Kaya binabati namin si Marian na naging successful ang pilot episode nito na magbibigay aliw sa kabataan lalo na sa mga estudyante na siguradong makaka-relate sa telenobela.

Hindi isyu ang pag-urong ng Alyas Robin Hood at dumadami na tumututok dito lalo na ang mga millennial na sumusubaybay kay Yoyoboy na si Ruru Madrid na gumuguwapo dahil sa matipunong katawan na pinaghihirapan niya ngayon para lalong maging macho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with