^

Pang Movies

Rachelle Ann inaayos na ang kasal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Wala na ngang makakapigil pa sa Broadway at West End star na si Rachelle Ann Go sa pagpapakasal sa kanyang fiancé na si Martin Spies.

Nabanggit nito na baka late 2018 or early 2019 ang date ng wedding nila ni Martin dahil marami pa raw siyang kailangan tapusin na commitments. Kabilang na rito ay ang paglabas niya sa musical na Hamilton sa West End London sa 2018.

Pero kelan lang ay nakipag-meeting na ito sa isa sa kilalang wedding planner to the stars na si Teena Barretto.

Kilala si Barretto sa pagi­ging wedding organizer ng mga big celebrities. Mga naging kliyente nito ay sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez; Dingdong Dantes and Marian Rivera; Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes at marami pang iba.

Winwyn gustong humiwalay sa pagiging anak  nina Joey at Alma

Hindi itinago ng nakoronahan bilang Miss Reina Hispanoamericana Filipinas 2017 na si Winwyn Marquez ang malungkot na pinagdaanan nilang magkakapatid noong maghiwalay ang kanilang magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Sa programang Tunay Na Buhay nga ay nagkuwento si Wyn na 13-years old lang siya noong maghiwalay sina Joey at Alma. Iyak daw siya nang iyak dahil hindi niya inasahan na aabot sa paghihiwalay ang mga magulang niya.

“Hindi naman naapektuhan ‘yung pag-aaral ko, pero emotionally I breakdown alone.

“Kasi pinapakita ko na strong, kasi ako lang ‘yung only girl nung time na ‘yon na parang, ‘okey lang sige, game na.’ Pero kapag mag-isa ako, iiyak ako,” kuwento pa ni Wyn.

Pero pagkatapos ng ilang taon, naging magkaibigan ulit ang kanyang mommy at daddy kahit na may kanya-kanya na silang buhay ngayon.

Nagpapasalamat lang si Wyn na nandiyan pa rin sila at sinusuportahan ang lahat nang gawin nilang magkakapatid, tulad na lang nang pagpasok niya sa pag-arte at sa pakikipag-compete sa beauty pageant.

Ang isa nga raw sa pinagbuti ni Wyn ay ang maging kontrabida sa mga teleserye. Una siyang naging kontrabida ay sa teleserye na Blusang Itim kung saan inapi-api niya si Kylie Padilla. Nasundan pa ito ng ilang pang kontrabida roles sa One True Love, Indio, Kambal Sirena, Dormitoryo, The Half-Sisters, Little Nanay at Mulawin Vs. Ravena.

“So iniisip ko na lang na this is my opportunity to switch cha­racter, to switch everything.

“I don’t want to be called ‘The daughter of Joey Marquez and Alma Moreno’ forever. I want to have my own name, I want to show everyone na may talent naman ako, I can act, I can dance.  I can do almost anything,” pagtatapos pa ni Winwyn Marquez na walang pahinga sa kanyang training with Aces & Queens dahil sa November na ang pag-compete niya sa Miss Reina Hispanoamericana sa Bolivia.

Natakot sa extortion Kevin Hart inamin ang pagloloko!

Nagbigay ng kanyang public apology ang Hollywood comedian na si Kevin Hart sa kanyang misis na si Eniko Parrish, dahil sa pagkakahuli sa kanya na may sexual encounter siya sa ibang babae. May isang tao raw na gustong mag-extort ng pera sa kanya na ang kapalit ay ang hindi nito pagkalat sa social media ng isang video kung saan may ka-sex daw ito na ibang babae.

Kesa naman daw na pumayag siyang magpa-extort, minabuti na lang ni Kevin na aminin ito sa kanyang misis na nagkaroon siya ng extra-marital affair.

Nag-post ang comedian sa kanyang Instagram ng isang video at may caption na: “Sending so many apologies to my wife & kids. I gotta do better and I will. I’m not perfect and have never claimed to be… I love you all.”

Sa one minute video sa IG, heto ang nilalaman:

“I’m at a place in my life where I feel like I have a target of my back, and because of that I should make smart decisions, and recently I didn’t.

“I’m not perfect. I made a bad error in judgment and put my myself in an environment where only bad things can happen and they did. I hurt the people closest to me.

“It’s a sh**ty moment where you know you’re wrong, and there’s no excuses for your wrong behavior.

“I’m not going to allow a person to have financial gain off of my mistakes… I’d rather fess up to my mistake.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with