^

Pang Movies

Erich namundok!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Erich namundok!

Erich Gonzales

Namumundok na rin pala si Erich Gonzales.

Binahagi niya sa kanyang Instagram account na nag-hiking siya sa Mt. Batolusong in Tanay, Rizal kasama ang ilang mga kaibigan. “Just keep putting one foot in front of the other and before you know it, you’ve climbed a mountain,” caption niya pagdating sa tuktok ng bundok.

Payapa ang buhay ni Erich ngayon matapos hindi patulan ang mainit na isyung umano’y nagkaroon sila ng something ni Direk Paul Soriano, mister ni Toni Gonzaga, nang mag-shooting sila ng isang indie film sa Siargao.

Asahang mabubuhay ang isyu oras na ipalabas ang natapos nilang pelikula.

Actor tinaob ang kilay ng ka-loveteam

Nagpapakilay din pala kahit lalaki noh.

Akala ko ‘yung mga babae lang ang particular sa hitsura ng kanilang kilay at hindi sila nakakalabas pag walang drawing ang mga kilay na nagpapadagdag nga naman ng ganda.

Pero kinabog ng isang actor ang kanyang ka-loveteam na young actress.

Mas makapal pa ang kilay ni young actor at halatang pinalagyan pa ng tattoo para hindi siya lagay nang lagay everyday.

In all fairness, maganda ang epekto. Nakadagdag sa cuteness ni young actor.

Obvious kasi sa kapal at ayos ng kilay kaya alam mong unnatural ang nasabing eyebrow ng actor na may ka-loveteam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with