^

Pang Movies

Kristoffer sa gym na halos nakatira

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Huling nagbida sa teleseryeng Hahamakin Ang Lahat ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin. Kaya marami ang nagtaka kung bakit tinanggap niya ang ma­ging support sa telefantasya na Super Ma’am.

Inamin ni Kristoffer na duma­ting siya sa point na marami siyang questions sa tinatakbo ng career niya. Minsan ay leading man siya, minsan ay supporting role ang natotoka sa kanya. Tulad na lang sa Mulawin Vs. Ravena na parang guest role lang ang binigay sa kanya.

Pero kahit gano’n ang nangyayari, wala raw plano na iwan ni Kristoffer ang GMA 7 dahil kahit bida or support lang siya, importante ay patuloy ang pag-arte niya at patuloy na may natututunan siya.

 “Pero na-realize ko na I can do both. Puwede akong bida, kontrabida, support… ang importante,” sey ni Kristoffer.

Nag-workout ng husto si Kristoffer at makikita sa kanyang Instagram account ang magandang resulta ng pagsisikap niya na magpaganda ng katawan.

“Dahil maraming action scenes dito, kailangan malakas ang katawan natin. Kaya halos nasa gym ako every day para mag-training.”

Aicelle nag-selfie na naka-bikini

Hindi lang ang mag-selfie na naka-bikini ang ginawa ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa El Nido, Palawan kamakailan. Tinupad din niya ang kanyang advocacy para sa isang green and clean environment.

Nagkaroon ng seaside concert sa El Nido si Aicelle titled Aicelle Live in Lio noong nakaraang September 15. Pagkatapos ng kanyang concert ay sumama ito sa ginawang clean-up sa beach ng El Nido.

Pagkatapos ng matinding clean-up ay hindi pinakawalan ni Aicelle ang pagkakataon na i-enjoy ang malinis na dagat at mag-pose for bikini shots.

Kasama rin pala ni Aicelle sa El Nido ay ang kanyang fiancé, ang GMA News Correspondent Mark Zambrano.

Fergie at Hollywood actor nawalan ng interes sa relasyon!

Officially ay hiwalay na ang Hollywood actor na sina Josh Duhamel at ang singer at lead vocalist ng Black Eyed Peas na si Fergie.

Kelan lang ay nakita sina Josh at Fergie na hindi na suot ang wedding rings nila.

Walong taon ding kasal ang dalawa at hindi raw madali para sa kanila ang maghiwalay.

“With absolute love and respect we decided to separate as a couple earlier this year.

“To give our family the best opportunity to adjust, we wanted to keep this a private matter before sharing it with the public.

“We are and will always be united in our support of each other and our family,” sey pa nila sa isang joint statement.

Kinasal sina Josh at Fergie (Stacey Ferguson in real life) noong 2009 ay meron silang anak na lalake named Axl Duhamel (four years old).

Noong pumutok ang balitang hiwalay na sila, nasa magkaibang panig ng mundo sina Josh at Fergie. Nasa California si Josh at nasa Brazil naman si Fergie for a show.

Noong 2009 ay may nag-claim na isang stripper na nagkaroon ito ng sexual relationship with Josh at muntik na silang maghiwalay ni Fergie. Nag-deny si Josh sa allegation ng stripper at tumagal pa ng walong taon ang pagsasama nila ni Fergie.

Ayon sa E! News, ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay nawala na raw ang interes nila sa isa’t isa.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with