Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Marian at Matthias mabigat ang koneksiyon!

Matthias Rhoads

Pinag-aaral ni Marian Rivera ng Tagalog ang leading man niya sa Super Ma’am na si Matthias Rhoads. Lumaki sa New York City ang baguhan na nadiskubre sa isang food chain commercial at napapanood ngayon sa TVC ng isang shampoo.

Nu’ng pictorial nila para sa promo ng series, agad siyang nag-post sa Instagram ng photo nila ni Yan Yan at sinabing magkapareho sila ng birthday, August 12.

“I told the whole world to be fortunate that I am working with this wonderful lady, Marian Rivera, and it just so happens we have powerful combination in Zodiac sign. She’s Leo. Same,  August 12.

“And I felt that the first time I met her, we have that connection, August12. So I posted and I had some bashers, ‘Who are you to be using her. User,’ yeah.

 “At first, what’s going on? And then, I realized, of course, if somebody is doing that you may be envious of or you know, may be they can’t believe it, they’re a big fan of her husband, then then they’re going to react!

“But I guess that comes with it. And that’s something I have to understand. It’s just that, ‘What?’ A lot of people. At that point, I stopped. Nothing important here.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“The importance is letting them know that this is a new project,” paliwanag ni Matthias.

Nag-usap daw sila ni Marian tungkol sa pag-bash sa kanya. Ayon daw kay Yan Yan, “That’s part of the job! Part of the job is dealing with positive attention, negative attention.

“She said to me, ‘You know what that means? You are effective. You made an impact so good job!’ Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Matthias.

Miles binusalan sa pinaggagagawa ni JLC

Bantay-sarado ng handler si Miles Ocampo sa presscon ng kinabibilangang Regal horror movie na The Debutantes. Eh, kasama ni Miles si John Lloyd Cruz sa weekly sitcom na Home Sweetie Home kaya naisingit ang tanong sa young actress sa kontrobersyang kinasangkutan ng aktor kasama si Ellen Adarna ang mga kaibigan niya sa isang beach sa Cebu.

“Wala po akong karapatan na sagutin ang tanong po na ‘yan. Pasensiya na po,” rason ni Miles

Hiniritan pa siya kung ano ang feeling niya sa isyu sangkot ang co-actor niya.

“Sorry po. Panoorin ninyo po ang Debutantes, October 4 na po,” iwas ng young actress.

Maging after ng presscon, hindi pa rin iniwan ng handler sa Miles para huwag nang uriratin pa tungkol kay Lloydie. In fairness sa kanya, napanindigan naman niyang huwag magbitiw ng salita tungkol lay JLC.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: