Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

John Lloyd nalungkot sa dirty finger, aminadong maraming natutunan sa pinaggagawa nila ni Ellen

John Lloyd Cruz

Last Tuesday ay back to work na si John Lloyd Cruz matapos ang kontrobersyal na bakasyon niya sa Santa Fe, Bantayan Island sa Cebu kasama si Ellen Adarna at mga kaibigan ng aktres.

Nag-taping na siya ng sitcom niyang Home Sweetie Home at nagbigay agad ng update sa kanyang Facebook account ang kasamahang Ogie Diaz na kasama rin sa cast.

Ayon sa post ni Ogie, niyakap daw niya nang mahigpit si JLC nang makita niya ito sa set. At pagkatapos nito ay nagpahayag ang aktor na natuto raw siya sa mga nangyari pero wala naman daw itong pinagsisisihan.

“Niyakap ko si JLC pagkita namin sa taping ng Home Sweetie Home. Alam na niya ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap.

“Natuto ako, Ogs. Wala naman akong pinagsisisihan, we were enjoying that time. Nalungkot lang talaga ako dun sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata. I’ve learned so much from this. I’m really sorry,” ang kwento ng manager ni Liza Soberano sa kanyang FB na isa ring dating entertainment columnist.

Ikinatuwa naman daw ng aktor na marami pa rin ang nagtanggol sa kanya kaugnay nga ng controversial videos niyang kumalat.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Gulat talaga ako du’n. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa. Pero siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat,” ang pahayag daw ni Lloydie.

“Inaako rin ni JLC ang pangyayari at huwag na lang daw idamay si Ellen Adarna at ang kaibigan nitong nag-upload,” ang post pa ni Ogie.

Ipinagtanggol din ni Ogie si Lloydie at aniya, wala naman daw tinapakang ibang tao si LLoydie kaya naman madali siyang napatawad ng netizens.

“In fairness to majority of the netizens, madali silang makaunawa, magpatawad lalo na at first time lang naman ito nangyari kay Lloydi.

“Wala naman siyang tinapakang ibang tao, wala naman siyang dinehadong kapwa. Naalala pa rin ng mga tao na TAO lang din si Lloydi. Tulad natin, nagkakamali, nagsisisi at natututo.

“Nangyari na ang nangyari, next step: moving on and moving forward,” saad pa ni Ogie sa kanyang post.

Miles ‘di nabawasan ang paghanga sa kuya

Isa sa bida ng pelikula si Miles kasama ang iba pang millennial young actresses na sina Sue Ramirez, Michelle Vito, Jane de Leon at Channel Morales mula sa direksyon ni Prime Cruz under Regal Entertainment.

Ayon kay Miles, wala raw siyang karapatang mag-comment sa isyu ni JLC.

Pero ang masasabi lang niya, isa raw sa hina­ngaan niyang aktor ang kanyang Kuya John Lloyd at gusto nga niya itong maging leading man in the future.

Nangako raw si Lloydie na panonoorin daw nito ang The Debutantes at nagandahan daw ito sa trailer.

 Nakatrabaho na raw niya actually si Lloydie sa movie nito with Sarah Geronimo at bilib siya talaga kung gaano kahusay umarte ang aktor.

When asked kung hindi ba nabawasan ang paghanga niya kay Lloydie sa kabila ng mga kontrobersyal na videos, aniya ay hindi raw.

“Magaling na aktor po si kuya John Lloyd at isa po siya sa hinahangaan kong mga artista.”

Showing na sa October 4 ang The Debutantes at ito ang unang pelikula ni Miles under Regal Films.

Looking forward daw siya to make movie movies sa nasabing produksyon at very thankful siya sa mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging bida sa pelikula.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: