^

Pang Movies

Anak di maiwan, Marian swak sa Super Ma’am!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak di maiwan, Marian swak sa Super Ma�am!

Super Ma’am

Para sa inaanak ko na si Marian Rivera, ang Super Ma’am ang perfect na primetime tele­serye comeback niya sa GMA 7 dahil bukod sa super teacher ang kanyang role, super nanay siya kay Zia, ang unica hija nila ni Ding­dong Dantes.

Very true ang sinabi ni Marian sa presscon ng Super Ma’ am dahil saksi ako sa pagiging hands on mother niya kay Zia nang magkita kami sa Paris para sa wedding of the year nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Hindi lang si Marian ang Super Mom dahil Super Dad din si Dingdong kay Zia.

Hindi nagpagabi si Marian sa presscon ng Super Ma’am dahil sinundo pa niya ang bagets sa bahay ng mga magulang ni Dingdong sa Cubao.

Inihabilin muna ni Marian si Zia sa lola nito habang nasa presscon siya ng primetime teleserye niya sa Kapuso Network na magsisimula sa Lunes, September 18.

Matthias at Enrico intimidated kay Marian

Introducing sa Super Ma’am ang dalawang commercial model na parehong Fil-Am, sina Matthias Rhoads at Enrico Cuenca.

Si Matthias ang lucky leading man ni Ma­rian at teacher naman ang role ni Enrico sa Super Ma’am.

Ano ang common denominator nina Matthias at Enrico?  Napansin ng publiko ang dalawa dahil starring sila sa television commercial ng isang hamburger chain na malakas ang impact.

Hindi biglaan ang pagpasok nina Matthias at Enrico sa showbiz dahil mga bagets pa lamang sila, dream na nila ang maging artista kaya nagbalik-bayan ang dalawa.

Aminado sina Matthias at Enrico na na-intimidate sila kay Marian sa unang araw ng taping nila pero mabait at supportive  ang aktres kaya nawala agad ang shyness na kanilang nararamdaman.

Mama Helen gumaling na, tuloy na uli ang career

Starring din sa Super Ma’am si Mama Helen Gamboa na first time na mapapanood sa isang primetime teleserye ng GMA 7.

Natuloy rin sa wakas ang pag-apir ni Mama Helen sa isang show ng Kapuso Network dahil naudlot ang paglabas niya noon sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Nagkasakit si Mama Helen kaya pinalitan siya ng ibang aktres sa drama series na pinagbidahan noon nina Dingdong, Lovi Poe at Maricel Soriano.

Manny binibisita ang setting ng pepe… sa US

Kahapon ko lang nalaman na hindi na pala si Manny Valera ang manager ni Alessandra de Rossi.

Nagkakuwentuhan kami ni Manny sa contract signing sa Regal Entertainment Inc. ng kanyang talent na si Janella Salvador.

Si Manny ang nagsabi sa akin na  two years nang wala si Alessandra sa poder niya. Napag-usapan namin si Alessandra dahil aming napagkuwentuhan ang box office success ng Kita Kita.

Matagal na kaming friends ni Manny dahil kami ang magkasama noon sa shooting ng Pepe En Pilar sa San Francisco, California.

Si Manny ang manager noon ni Maricel Soriano at talent ko naman si Gabby Concepcion.

Nag-trip down memory lane kami ni Manny tungkol sa pamamalagi namin noon sa San Francisco.

Nakakatuwa si Manny dahil sa tuwing nagpupunta siya sa San Francisco, binibisita niya ang bahay na tinirhan namin nang mag-shooting doon ang cast ng Pepe En Pilar.

Nakakabilib si Manny dahil pagkatapos ng filming sa SanFo ng pelikula nina Gabby at Maricel, bumalik siya sa US at nagtrabaho bilang manager ng isang burger company.

Three years din na naninirahan at nag-work sa Amerika si Manny pero bumalik sa Pilipinas dahil na-miss niya ang showbiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with