^

Pang Movies

Anak lang Geoff at Maya walang balak pakasal?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anak lang Geoff at Maya walang balak pakasal?!

Maya at Geoff

Kumpirmadong magiging ama na nga si ­Geoff Eigenmann at siya mismo ang nagbigay ng kumpirmasyon last Saturday sa ginanap na PPL Live bilang selebrasyon sa ika-8 anibersaryo ng PPL Entertainment, Inc. na talent agency ni Perry L. Lansigan.

Sa nasabing event ay nagsama-sama ang mga PPL artists na live napanood sa Facebook noong nakaraang Sabado, Sept. 9, from 10 a.m. - 1 p.m., kung saan ay nagkaroon ng tsikahan, bonding at interbyuhan portion ang mga talents ni Perry with the host of the day, DJ Jai-Ho.

Sabay na ininterbyu ni DJ Jai Ho ang magpinsang sina Geoff and Gabby Eigenmann at dito nga ay diretsong tinanong ng host/comedian ang una kung totoo bang magiging tatay na siya.

“The answer is yes, malapit na akong maging father. Today, officially is our 36th weeks kaya hindi rin nakasama sa PPL Live si Maya who’s also part of PPL for the past two years,” pag-amin ni Geoff.

“Ready to pop any time soon. So anytime soon you’ll gonna see a little baby in my arms,” dagdag pa niya.

Si Maya ay dating member ng international girl group na Blush at nakikilala rin sa bansa bilang ka-duo ni Migz Haleco at contract artist ng Star Records.

Ayon pa kay Geoff, masayang-masaya raw sila ni Maya at very excited na sa pagdating ng kanilang baby.

Alam naman daw ng family and close friends nila ang tungkol dito at excited na rin daw ang mga ito.

“Our family has known naman, close friends, hindi lang talaga nababalitaan kasi hindi kami ma-post sa social media and all that. But yeah, aside from that, it’s true and we’re very happy, can’t be more excited.”

Ngayong September na manganganak si Maya at ayaw pang i-reveal ni Geoff ang gender at magi­ging name ng kanilang first baby tutal naman daw ay may mga susunod pang PPL Live.

“Eventually in the coming weeks, they’re gonna know more about our baby,” sey niya.

Sa kwento pa ni Geoff, ang manager daw nila ang unang-unang nakaalam ng pangyayari.

“The day we found out (that Maya was pregnant), he (Perry) was the first person I called up. Of course, he was very happy for us, unexpected ‘yung nangyari pero I couldn’t be happier and siya (Perry) ang nag-aalaga sa amin along the way,” sey ni Geoff.

Masaya raw sila ngayong finally ay nailabas na rin nila sa publiko ang katotohanan. Gayun man, hindi nasabi ni Geoff kung kailan nila balak pakasal ni Maya kung meron man.

Pagkatapos na pagkatapos aminin ng aktor ang good news, nag-post na sila agad sa kani-kanilang Instagram account ng maternity photos ni Maya.

Samantala, join din sa first ever PPL Live ang Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, Wendell Ramos, Ejay Falcon, newly-weds Athur Solinap and Rochelle Pangilinan, Gloc-9, Migz Haleco, Agsunta Band at iba pang mga bagong artists ng agency.

Hindi naman nakarating si Dingdong Dantes dahil may taping daw ang aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with