^

Pang Movies

Mocha consistentsa pagpo-promote ng fake news?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang lahat yata ng taga-showbiz na napasok sa gobyerno ngayon ay nakakakuha ng hindi magagandang komento. May nagsasabing pinag-iinitan lang daw siguro sila ng mga kalaban sa pulitika, pero kung minsan malala talaga ang bintang. Karaniwang bintang ay ginagamit lamang ang kanilang posisyon para isulong ang kanilang personal na interests.

May pagkakataong si Cesar Montano, na nasa Tourism Promotions Board ay inakusahan ng mga mismong tauhan niya ng katiwa­lian. Kontrobersiyal din ang pagkaka-hire niya sa kapatid niyang si Rommel Montano bilang consultant sa kanyang opisina. Mabuti naman at nakakuha si Rommel ng sarili niyang appointment sa Optical Media Board.

Pero siguro ang pinakabugbog sa lahat ay ang singer-dancer na si Mocha Uson. Una siyang inilagay sa MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board), kung saan napakabilis niyang gumawa ng announcement na ayaw niyang inilalabas sa TV ang soft porn. Dumating ang panahon na maging ang chairman na kagaya niyang appointee rin ni Presidente Digong Duterte ay hindi na niya kasundo. I­nalis siya roon, at ginawang Assistant Secretary pa ng PCOO (Presidential Communications Operations Office).

Nabanatan naman agad siya nang mag-post siya sa social media tungkol sa mga sundalo sa Marawi, tapos lumabas na sa abroad naman pala kuha ang picture. Ang katuwiran ni Mocha, visual aid lang naman iyon. Ngayon sa pagbibigay niya ng kritisismo sa mga pulitikong nakiramay sa burol ni Kian Lloyd delos Santos, naglabas naman siya ng picture ng isang pulis na pinaslang, na sinabi niyang naghihintay din ng pakikiramay. Iyon pala isang taon nang patay ang pulis na iyon at lumang picture na nga iyon.

Ang punto lang namin diyan, at hindi naman kami sa kumakampi kahit na kanino, hindi naman kasi talaga peryodista si Mocha eh. May mga bagay sa pagbabalita na hindi niya kabisado. Blogger lang si Mocha, at alam naman ninyo sa mga blog, kahit na nga ang mga fake news ay lumulusot. Iyon nga lang dahil assistant secretary siya ng PCOO, ang inaasahan sa kanya ngayon ay accurate na pagbabalita.

Heart tinalo raw ang katapat

Naka-score si Heart Evangelista. Lumalabas na mas mataas ang ratings ng kanyang bagong seryeng My Korean Jagiya kaysa sa katapat na programa noon, base sa National Urban Te­levision Audience Measurement ng AGB-Neilsen. Bago ang show ni Heart, ini-report din ng Neilsen na lahat ng show ng GMA 7 ay tinalo ng kalaban maliban sa 24 Oras, na nananatiling number one news program.

At least maganda na iyang panalong iyan ng show ni Heart. Ibig sabihin, alam na nila more or less kung ano ang gagawin nila para muling mabawi ang prime time ratings. Pero sana makagawa sila ng mas magaganda pang shows na ang artista ay mga Pilipino lamang.

Aktor na may ka-live-in umaasa sa bading

Ano kaya ang sasabihin ng kanyang live in partner kung malalaman niyang ang aktor ay may karelasyon ngayon na isang bading? Kailangan naman niyang kumapit sa bading dahil matagal na rin naman siyang jobless, at pini­pintasan na rin siya dahil sa sitwasyon niya. Pero aywan lang kung maintindihan iyon ng live in partner niya. Baka kung malaman ang sikreto niyang iyon ay bigla na lang siyang kalasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with