^

Pang Movies

Parang losyang daw, Andi hindi na nag-aayos

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Parang losyang daw, Andi hindi na nag-aayos

Andi

Masaya nga ang lovelife ni Andi Eigenmann pero mukhang malamlam naman ang lagay ng career niya.

Ayon pa sa isang nakakita sa aktres recently, parang hindi na rin daw nag-aayos si Andi. As in hindi na conscious sa kanyang hitsura kahit haharap siya sa media.

Hindi raw nakikita sa physical appearance nito sa kasalukuyan ang kaligayahang sinasabi niya sa piling ng kanyang model na boyfriend.

Buti pa raw nung sila pa ni Jake Ejercito. Ngayon daw parang haggard, parang losyang na hindi maipaliwanag sabi ng nakakita sa aktres.

Bela

Tulad sa kita, Stella inayawan din ng Star…

Sa Star Cinema rin pala unang inilapit ang script ng pelikulang 100 Tula Para kay Stella na nag-no. 1 sa ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na exten­ded sa 110 cinemas nationwide. Mga bida sa pelikula sina Bela Padilla and JC Santos.

Pero tulad sa pelikulang Kita Kita starring Alessandra de Rossi and Empoy Marquez na kumita naman ng mahigit P300 million sa tatlong linggong pagpapalabas at may screening pa sa Amerika, inayawan din itong sugalan ng film arm ng ABS-CBN.

Kaya ang nakinabang, ang Viva Films.

Malamang hindi nadama ng Star Cinema na papatok ang dalawang pelikula since hindi bankable ang mga bida at kakaiba kesa sa mga kilig-kiligang movies nila.

Pero very obvious na gusto rin ng manonood ng mga pelikulang hindi lang puro kilig na parang paulit-ulit na lang. ‘Yung meron ding kuwento.

At very obvious ito sa natapos na PPP. Kakaiba ang humor ng Patay Na Si Hesus, ang Birdshot at hindi ordinaryong kuwento, ang Star na si Van Damme Stallone na tungkol sa mga may Down Syndrome pero lahat ‘yun pumatok sa takilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with