^

Pang Movies

Nadine kinopya si Ariana Grande

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nadine kinopya si Ariana Grande

Nadine Lustre

Ariana Grande ang peg ni Nadine Lustre nang manood siya ng concert ng international singer sa kasagsagan ng ulan nu’ng Lunes nang gabi sa SM Mall of Asia Arena. Ayon sa ilang netizens, ang look ni Nads ay look ni Ariana sa isa niyang music video.

Naglabasan sa social media ang suot ni Nadz pero ang angat sa kanya ay ang kulay gray niyang buhok, huh! Ayon sa post ng isang netizen na si @jdpill, “Nadine channeling Ariana’s hairstyle and color.”

“Omygaddd…kaya pala! She’s really very witty!” ani naman ni ng @celamig;jadine.

May isang blogger naman na napag-survey kung Like or Dislike nila ang hitsura ni Nadine sa concert. Mas maraming likes kesa dislikes sa followers ng blogger.

Naku, bata pa si Nadine. Hayaan na lang natin siya kung gustong mag-experiment sa hitsura niya, huh! Shut up na lang mga negatrons!

Xander at Heart walang arte sa mga nagpapa-selfie

Nagbubunyi ang naghihintay sa pilot telecast ng My Korean Jagiya last Monday dahil puno ng magagandang eksena ang kanilang napanood. Bida rito sina Heart Evangelista at Korean actor na si Alexander Lee.

Sa Davao naman nang magkaroon ng mall show sina Heart at Alexander, aba, game na game ang K-actor na makipag-picture sa fans. Ganadung-ganado rin si Heart kahit na nga tambak ang nais magpakuha ng photo sa kanya.

Kapwa nga nag-imbita ang dalawa na ma­ki­ba­hagi sa Twitter party para sa MKJ. Dama ang excitement kay Alexander dahil first show ito ng K-actor sa bansa.

Ayon sa ilang netizens, very promising ang kuwento ng GMA series. “Baka himatayin na kami pag nagsama na sa eksena sina Heart at Alexander!”     

Myrtle gustong tuparin ang pagiging broadcaster

Hindi iiwanan ni Myrtle Saroza ang showbiz matapos niyang grumadweyt ng cum laude sa University of the Philippines sa kursong Broadcast Communication nitong nakaraang mga buwan. Planado na ang ambisyon niyang maging broadcaster bilang pagtupad sa una niyang pangarap.

Mula nang magtapos ng kolehiyo with honors, maraming pinto na ang nagbukas para sa kanyang career. Kasama siya sa cast ng on-going teleserye at may pelikulang tinatapos sa Regal Entertainment.

Bukod dito, nagtiwalang muli sa kanya ang Megasoft bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners kaya kahapon, nag-renew siya ng kontrata. Magiging bahagi rin siya ng advocacy ng Megasoft, ang The School is Cool Campaign ng mga produkto para magbigay ng recognition sa deserving students.

Dreams do come true. Kailangang sabayan ng hardwork, discipline and faith in God. All these dreams have been happening while I am part of Sisters family. So with my renewal, I’m looking forward to more dreams coming true this year,” pahayag ni Myrtle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with