^

Pang Movies

Wala ring mga takot, concert ni Ariana ginastusan ng mga Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong isang gabi, pagkatapos namin dumalo sa isang misa ni Archbishop Romeo Arguelles sa kapistahan ni St. Pius X, nadaan kami sa isang mall sa Pasay para kumain. Nasalubong namin ang napakaraming tao, lahat sila nagkukuwentuhan, may kinikilig pa rin, habang pinag-uusapan ang kanilang napanood na concert ni Ariana Grande. Mabuti naman at may kaayusan ang concert, marami ring pulis na nakabantay. Kasi kung naalala ninyo, nagkaroon ng isang terrorist attack sa kanyang naging concert noon sa Manchester, England.

Isang malaking risk iyang mga ganyang concert, lalo na nga rito sa Pilipinas na hindi ka naman nakasisiguro dahil alam na nating may ISIS na ring nakapasok sa Pilipinas, at hindi lang iyang Maute Group. Noon ay may suggestion na i-cancel na iyang concert na iyan ni Ariana sa Pilipinas, pero pinanagutan naman daw ng pulisya na kaya nila ang seguridad.

Ganoon pa man, kung kami ang tatanungin, hindi kami magri-risk na pumasok sa isang concert na ganyan. Una nga ang banta sa seguridad. Pangalawa, nagbabayad tayo ng mahal para mapanood ang mga dayuhan samantalang may mas magagaling tayong mga singer kagaya ni Regine Velasquez na magkakaroon rin ng concert sa Arena. Bakit hindi iyong local ang ating suportahan? Pangat­lo, talagang hindi namin gusto iyong masya­do tayong nahuhumaling sa mga dayuhan at ang mga artistang Pilipino ang ating iniiwan.

Tingnan ninyo ang mga model dito sa atin, puro Brazilians. Tingnan ninyo sa telebisyon, puro Koreanovela, at ngayon nga nakapasok na rin ang mga Koreanong actor sa seryeng My Korean Jagiya. Tingnan ninyo ang mga pelikula, kumikita ang mga dayuhan, samantalang ang pelikulang Pilipino nga ba ay ano? May nabago na sa mga manonood.                                                                          

Pero hindi natin maikakaila, mas maraming taong nanood kay Arianna, kaysa sa nagpunta at naki-rally para kay Kian delos Santos sa EDSA.

TV show ginawang ampunan

Ang lagi nilang biro sa ngayon, “sino ang bago sa ampunan”. Kasi nga raw ang lahat ng mga walang career, inampon na ng isang TV show. Aba kung kami naman ang tatanungin ok iyon. Isipin ninyo iyong mga natutulungan nila, na mga wala nang career tapos nagkakaroon ng trabaho kahit na papa­ano. Tama naman iyang ganyang nagpapa-good karma sila, para kung dumating man ang panahon na wala na sila, mayroon pa ring makakaalala.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with