^

Pang Movies

Mariel pinayagan ng BF na makipagtikiman kay Coco

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mariel pinayagan ng BF na makipagtikiman kay Coco

Mariel de Leon

Naghahanda na si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel de Leon sa nalalapit na Miss International beauty pageant na gaganapin sa Japan sa November 14.  Ayaw daw niyang pa-pressure, kaya naman sa kabila ng paghahanda niya, tumatanggap din siya ng ilang social activities.

Sa kabila ng mga training niya para sa Miss International beauty pageant, nagsu-shooting din siya ng Ang Panday na entry ng actor-producer na si Coco Martin para sa coming 2017 Metro Manila Film Festival sa December.  Matatandaan na personal choice ni Coco si Mariel para maging leading lady. Honored naman si Mariel na siya ang napili dahil alam daw niyang maraming artistang naghahangad na makatambal si Coco. Biniro nga si Mariel, paano kung may kissing scene, papayag ba siya?

“No problem po naman sa akin, wala namang magbabawal, it’s just acting,” sagot ni Mariel. “I’m already 23 years old at hindi naman ako babawalan nina Tatay at Nanay (Christopher de Leon at Sandy Andolong) dahil pareho naman silang mga artista.

“Thankful ako kay Coco dahil he’s super fun to work with and the rest of the cast. I’m having a lot of fun.”

Kung gayun, hindi naman pala seloso ang boyfriend ni Mariel na balitang kasama niya sa book launching ni Jonas Gaffud.

Heart at Xander trending agad

Congratulations to the Filipino-Korean romantic-comedy series na My Korean Jagiya, na maaga pa lamang ay nag-trending na nang magsimula ang kanilang Twitter party.  Kahit ang mga lead star na sina Heart Evangelista at Korean actor Alexander Lee ay masipag na nag-tweet na niri-retweet naman ng mga netizen. Ganoon din ang mga co-stars nilang sina Ricky Davao, Janice de Belen, Edgar Allan Guzman, at Jinri Park.  Si Direk Mark Reyes nag-post pa sa kanyang Instagram account na may pa-dirty ice cream party siya sa buong cast at sa production staff habang nanonood sila ng pilot episode last Monday.

Tiyak na gustung-gusto ng mga adik sa K-Drama ang series sa simula pa lamang, naroon na si Xander na ginampanan ang mga dramas na tulad ng Winter Sonata, Kim Sam Soon, Full House, Jewel In The Palace na iniba lamang ang titles.  Umapir na rin si Heart bilang si Guadalupe Immaculada Asuncion or Gia, na ipinadala sa Korea para sa isang convention. Ang una niyang ginawa sa Korea ay mag-tour sa mga locations ng mga K-Dramas na napapanood niya.  Pero hindi niya nakita ang paborito niyang actor na si Kim Jung Ho (Xander).                  

Dennis ginawa nang mabait 

Nasa last four weeks na ang telefantasiyang Mulawin vs Ravena at masaya ang netizens na sumusubaybay dahil may twist na ang character ni Gabriel (Dennis Trillo). Marami kasing may ayaw na kontrabida si Dennis sa role niya bilang isang Ravena na kaaway ng mga Mulawin, dapat daw ay bida siya. Kaya ngayon, si Gabriel na ang napili nilang mamuno sa mga Mulawin, matapos na maging estatwang bato si Almiro (Derrick Monasterio) sa kagagawan ng kontrabidang si Rafael (Kiko Estrada).

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with