^

Pang Movies

Julia nagpaliwanag na kung bakit ‘di siya tanggap ng pamilya ni Joshua

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia nagpaliwanag na kung bakit �di siya tanggap ng pamilya ni Joshua

Julia Barretto

Sa presscon ng Love You to the Stars and Back nina Julia Barretto at Joshua Garcia, natanong ang tsikang hindi boto sa una ang pamilya ng huli.

“Hindi po totoo na hindi nila tanggap,” sabi ni Joshua.

Kung sakali ay ipaglalaban ba niya si Julia?

“Yes po. Kasi po naniniwala naman akong mabuting tao si Julia,” sagot ni Joshua.

Pagkaklaro pa ni Joshua, hindi pa naman daw nami-meet ni Julia ang pamilya niya kaya paano mangyayaring hindi boto ang mga ito.

Nag-butt-in naman si Julia para tulungan si Jo­shua na sumagot.

“I’m sorry that I had to butt in in the middle of all of this, okay. But I don’t like seeing him being, ‘yung ginaganun…

“What he’s trying to say po is he does not know of a family member that he has spoken to about the two of us, except for both his parents. Na kanina klinaro ko naman po na na-meet ko na po yung pamilya niya na nandito po (sa Manila),” pahayag ni Julia.

Nasa Batangas daw ang iba pang pamilya ni Joshua at sey ni Julia, hindi pa niya nami-meet ang mga ito.

“Kanina po in-explain ni Joshua na kung dadalhin niya ako sa kahit na anumang lugar, dadalhin niya ako sa Batangas. Dahil sa side niya po sa Batangas na pamilya niya, hindi ko pa po nakikilala.

“In other words, hindi niya po napagkukuwentuhan tungkol sa aming dalawa ho. It’s unfair naman sa aming dalawa na ginagawan kami ng kuwento na wala naman kaming ginagawang masama,” sey pa ni Julia.

Vice naningil sa pag-apir sa pelikula ni Vhong!

May cameo role pala si Vice Ganda sa pelikulang Woke Up Like This na talagang ikinagulat ng mga nanood na entertainment press sa premiere night na ginanap last Monday sa Megamall.

Wala kasing binabanggit na anuman kahit sa press release na may guest appearance ni Vice Ganda sa movie. Of course, iisipin mo agad na dahil ito kay Vhong Navarro since magkaibigan sila at magkasama sa It’s Showtime.

Minuto lang ang appearance ni Vice Ganda sa screen pero sapat na para magsigawan ang audience.

Sa dinner blow-out ay nahingan namin ng komento si Vhong Navarro sa cameo ni Vice at aniya, exchange deal daw iyon.

“May kapalit ‘yun, magge-guest siya sa movie, magge-guest din ako sa movie niya,” sey ni Vhong.

Saang pelikula naman ni Vice Ganda siya magge-guest?

“Basta mayroon kaming pinag-usapan na may kapalit. ‘Yun ‘yung ganti na lang, bawi, ganu’n,” he said.

Sa filmfest movie ni Vice?

“Hindi ko alam, eh, ‘basta may kapalit ‘yan, ha?’ ‘yun na lang ang usapan namin, hindi ko pa alam ngayon kung ano ang kapalit,” he said.

Natuwa naman si Vhong sa kabuuan ng pelikula kahit na nga ba hirap na hirap siyang gampanan ang karakter ni Lovi Poe.

“Ang hirap nung karakter ni Lovi talaga,” sambit niya, “binabalanse ko sana, huwag ako lumampas sa hindi babae, so talagang tinitimpla ko, kaya lang pag masyadong Sabrina cha­racter, nawawala ‘yung comedy, kaya kailangang dagdagan, eh, mas kailangang exxag (exaggerated),” say ni Vhong.

Ano naman ang masasabi niya sa acting ni Lovi matapos niyang mapanood ang movie ngayon?

“Si Lovi, natuwa ako, kasi ang galing sa co­medy. Pwede siya talagang tumawid sa comedy,” say ni Vhong.

Showing na ang Woke Up Like This ngayong Wednesday, Aug. 23 handog ng Regal Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with