^

Pang Movies

Maja inamin na ang dyowang non-showbiz

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maja inamin na ang dyowang non-showbiz

Maja Salvador

Kinumpirma na ni Maja Salvador na da­ ting sila ng isang non-showbiz guy sa interview ni tito Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.

Matagal-tagal na ring umiikot ang pic­tures nila ng non-showbiz guy na nag­ngangalang Jack Cruz. Pero ang isyu nun ay ayaw sa kanya ng pamilya nito.

Matagal nang isyu ito actually pero wala ngang sinasabi si Maja.

After Gerald Anderson ay hindi na na-link si Maja kahit na nga ikinakabit ang pangalan nila ni John Lloyd Cruz.

Anne nakakandado ang bibig sa kasal nila ni Erwan

‘Pag tungkol sa kasal ang usapan, wala talagang mapiga kay Anne Curtis.

Ayon kay Anne isi-share naman nila pero pagkatapos ng kasalan nila ni Erwan Heussaff.

Maraming excited na malaman ang detalye ng nasabing kasalan pero nanghingi naman siya ng pasensiya na sila-sila muna ang nakakaalam sa magaganap na pag-iisang dibdib nila ng kapatid ni Solenn Heussaff na sinasabing sa November na.

Basta ang isang sigurado, tutuparin nila sa passion project niyang Dream Machine, na nag-i-encourage sa mga nangangarap na ‘wag bibitiw dahil lang sa panghihiya ng mga ilang tao, ang kasal ng tatlong couple na gustong magpaka­sal pero kapos sa budget.

PPP dinagsa ang last day

Palibhasa suspended ang klase kahapon dahil sa pag-ulan noong Linggo ng gabi, dumagsa ang maraming manonood sa mga sinehan para sa hu­ling araw ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

As of presstime, almost P130 million na ang kita ng PPP at marami pang humahabol manood kahapon. Kaya inaasahang aabot sa P200 million ang kita ng mga pelikulang kasali sa nasabing Tagalog film fiesta na first time na sinagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Inaasahang magka­karoon ng extension sa mga sinehan ang entries na kumikita pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with