^

Pang Movies

Reklamo ni Marian, Dingdong wala nang oras sa kanila ni Zia sa kakatulong sa kapwa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Reklamo ni Marian, Dingdong wala nang oras sa kanila ni Zia sa kakatulong sa kapwa

Marian Rivera-Dantes

Kahapon ay nagdiwang ng ika-8 aniber­saryo ang Yes Pinoy Foundation ni Ding­­dong Dantes at kasabay nito ay ini-launch nila ang I Am Super campaign na ginanap sa Resorts World Manila.

Bilang first project ng I Am Super campaign ay nagdaos sila ng art exhibit together with Resorts World Manila dubbed as “I Am Super: An Art Exhibit for Resilience that showcases the work of artists who volunteered to support the Foundation’s advocacy on climate action and disaster preparedness.”

Present of course sa nasabing launching si Dong kasama ang misis niyang si Marian Rivera-Dantes na hindi mapigilang maging emosyonal sa kanyang speech habang sinasabi niya kung gaano siya ka-proud sa mister kahit na nga ba minsan ay nawawalan na ito ng oras sa kanila ng anak na si baby Zia.

Sa totoo lang, in-denial po siya, (Dingdong),” sey ni Marian, “pag sinasabi kong wala siyang time na sa amin, sabi niya, ‘hindi totoo ‘yan’, pero totoo. Minsan, nawawalan siya ng time dahil sa pagtulong niya sa ibang tao.”

Pagkatapos nito ay gumaralgal na ang boses ni Marian at napaiyak na as she continued, “so, okay lang. Naiintindihan namin ni Zia, kasi, ganu’n siya, eh. Love niyang tumulong sa iba. Hindi ‘yan natutulog nang hindi niya naaayos lahat. Hindi ‘yan natutulog nang hindi niya napi-fix ang mga dapat bigyan at mga nangangailangan.

“So, siguro, bukod sa pagiging responsible niya sa amin sa pamilya, sobrang proud ako sa kanya na naging asawa ko dahil my God, nag-iisa lang yata siya sa mundo, na lahat ibibigay, wala nang tinira.”

At ang mensahe ni Marian para sa asawa?

“Dad, sobrang proud ako sa ‘yo. No matter what, palagi akong nandito sa likod mo. Anuman ang mangyari sa ‘ting dalawa, palagi kitang mamahalin at iintindihin. So proud of you.”

Ang I Am Super art exhibit ay nagtatampok sa mga art works ng mga renowned artists na sina Mark Padernal, Carlo Saavedra, Patrick Cabral, Ivy Lim, Albretch Behmel, Benedict Abigan, Evelyn Montenegro and Alfonso Recto. Sila ang mga artists who volunteered to support the event.

May participation din si Marian sa art exhibit dahil naki­pag-collaborate siya kina Padernal and Saavedra. Ang Kapuso Primetime Queen ang naglagay ng flowers sa painting ng mga ito since as we all know ay may Flora Vida online flower shop siya. Bukod dito ay gumawa pa siya ng sariling artwork niya na puro flowers na ginagawa pa lang niya ay may nakaabang nang buyer.

Kuwento ni Marian, kinausap siya ni Dong na kung puwedeng makipag-collaborate ang Flora Vida sa mga paintings na gagamitin sa art exhibit at in-explain daw sa kanya na para sa charity since ang proceeds ng sales ng lahat ng paintings ay mapupunta sa activities ng YFP’s I Am Super campaign tulad ng pamamahagi ng YFP Go Backs (hooded backpacks with emergency kits and learners’ material) sa mga batang nag-aaral sa 10 vulnerable schools at pagtulong sa mga pamilya ng mga sundalong naging biktima sa Marawi Siege.

Nang sabihin iyon kay Marian ay hindi na raw siya nagdalawang-isip pa at pumayag na agad. Kahapon ay gumising daw siya ng 3:00 a.m. para tapusin ang flower arrangement sa mga pain­ting at 8:30 a.m. na raw siya natapos na kaagad namang dinala sa Resorts World kung saan nga idi-display ang mga paintings.

At siyempre, wala nang hininging bayad si Marian sa kanyang mga flower arrangement kahit na nga ba napakamahal ng kanyang mga bulaklak. Lahat ng ito ay for free raw para sa YPF.

Samantala, sa group interview after ng launching and unveiling ng mga paintings ay natanong si Marian kung paano napupunan ni Dingdong ang kawalan ng oras sa kanila ni Zia.

“Eh hindi naman forever ‘to. Parang hindi naman araw-araw, busy tayo o busy siya dahil sa pagtulong. At least eto, nairaos na namin, so ibebenta na lang namin.”

Paano napupunan ang pagka-miss nila sa isa’t isa?

“Facetime,” natatawang sagot ni Marian.

Anyway, ang mga paintings ay mananatiling on-display sa Resorts World Manila hanggang sa Aug. 27 so, if you have time, please do check out these art works at kung gusto n’yo namang bumili, puwede rin namang maka-purchase online at puntahan lang ang website ng Yes Pinoy at ang kanilang Facebook page.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with