^

Pang Movies

Korean heartthrob na si Ji Chang Wook ipinagdarasal

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Isang linggo nang nakapasok ang Korean heartthrob na si Ji Chang Wook bilang sundalo na bahagi sa pagseserbisyo nito sa kanyang bansa, pero hindi pa rin maka-move on ang fans ng aktor na nalulungkot sa pansamantalang pagkawala nito sa limelight.

Hindi matapos ang pagpo-post ng pictures ng fans nito mula sa movies at series dahil sa sobrang pagka-miss nila kay Ji Chang Wook. Pati ang bagong haircut ng Korean actor ay hindi nila pinalampas bago ito pumasok sa kampo sa South Korea.

Nag-aalala ang fans ni Wook na sana ay maging maayos ang sitwasyon nito at makatagal siya sa pananatili bilang sundalo sa loob ng dalawang taon.

Dahil seryoso ang fans ni Ji Chang Wook sa kalagayan ng Korean actor ay nanghihingi sila ng dasal na maging safe ang kanilang idol. Dahil na rin sa araw-araw na balitang lumalabas sa pagitan ng South Korea at North Korea.

Request ng fans na laging isama sa kanilang dasal si Ji Chang Wook hanggang matapos nito ang kanyang mission para sa kanyang bansang South Korea. Nakakaaliw ang fans na sila ay nag-i-encourage sa isa’t isa na hindi bibitiw dahil mabilis lang daw ang araw at panahon; na darating din ang araw na babalik si Ji Chang Wook at magiging proud ang kanyang mga followers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with