^

Pang Movies

Hollywood actress na si Anne Hathaway nagkalat ang hubad na katawan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang latest victim ng mga hackers sa Hollywood ay ang Oscar winner na si Anne Hathaway dahil kumalat online ang kanyang naked photos.

Nagsimula ang cyber attack na ito sa mga Hollywood celebrities noong 2015 at mga naging biktima na nila a A-listers tulad nina Jennifer Lawrence, Victoria Justice, Kate Upton at marami pang iba.

Caught unaware si Hathaway sa nangyaring ito at ilan sa mga supporter ng aktres ay kinokondena ang nagpasimuno ng pag-hack.

Sa Twitter ay bumaha ng suporta para kay Hathaway at nakikiusap sila sa hacker na tigilan na ito dahil walang ginagawa sa kanilang masama ang aktres.

May isang supporter si Hathaway ang nagsabi na imbes na ang mga nude photo ang pinagkakaabalahan ng hacker, bakit hindi na lang daw ang mga student loans para mabura na at hindi na sila mahirapang bayaran pa ang mga ito sa gobyerno.

Wala pang comment ang rep ni Anne Hathaway sa nangya­ring pag-hack sa nude photos niya.

Ogie sa Paris ipagdiriwang ang 50th birthday

Dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating kay Ogie Alcasid, magbibigay siya ng isang concert na ang magiging beneficiary ay ang matagal na niyang sinusuportahan na World Vision.

Ang title ng concert ay Nakakalokal: The Birthday Concert na magaganap on August 25 sa KIA Theater.

As of this writing, sold out na ang tickets para sa concert.

When World Vision asked me if I can do a concert for them, um-oo kaagad ako. Wala akong hininging talent fee sa kanila.

“I’ve been supporting World Vision for such a long time now. Kaya itong concert na ito ay para sa mga batang tinutulungan nila.

“All proceeds of the concert will be for them. It’s for a good cause kaya natuwa ako na sold out na pala ang tickets,” ngiti pa niya.

Special guests ni Ogie sa naturang concert sina Angeline Quinto, Erik Santos, Jaya, Yeng Constantino, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at ang kanyang panganay na anak from ex-wife Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid.

“Yung mga guests, ako mismo tumawag sa kanila. Parang nakiusap lang tayo kung okey ba sa kanila ang mag-guest sa concert natin for World Vision? Lahat naman sila ay um-oo.

“Siyempre, si Leila gusto rin niyang maging part ng concert. She wants to share her talent in singing na ikinatuwa ko naman.”

On August 27 ay mag-turn 50 na si Ogie at magsi-celebrate sila sa Paris, France.

“Nagpa-reserve na ako ng hotel and restaurant doon for my 50th birthday. The whole family will be there. Kasi a-attend din kami ng wedding nina Dra. Vicki Belo and Hayden Kho.

“Para lang maiba naman ang celebration since Golden Boy na pala tayo.

“I’m thankful na maganda pa rin ang career natin at 50. I’m taking good care of myself physically and spiritually.

“I am thankful for my kids kasi sila ang nagiging inspirasyon ko to work even harder.

“And of course, I am thankful for my wife, Regine Velasquez-Alcasid, who has always been there for me through the best and the worst.”

David Kim may nakaraan sa fiancée ni Song Joong Ki

Sa isang Facebook Live ng South Korean actor na si David Kim na kasama sa cast ng My Korean Jagiya, ini-reveal nito na nakatrabaho na noon ang sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo.

Si Song Hye Kyo ang bida ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

Ayon sa interpreter na si Sarang, nagkatrabaho raw sina David at Song Hye Kyo sa isang sitcom sa South Korea.

“Noong mas bata siya, he had a chance to work with Song Hye Kyo. Ka-partner niya actually in a sitcom.

“Part nung story nila doon sa sitcom... girlfriend niya si Song Hye Kyo doon, pero meron siyang ka-third party.

“Nahuli siya ni Song Hye Kyo, so pinalo siya. Meron daw eksenang ganun. He said, it was fun working with her.

“Napakabait daw na tao ni Song Hye Kyo, she’s very approachable as well.”

Na-meet na rin daw ni David ang fiancé ni Song Hye Kyo na si Song Joong Ki na nakasama nito sa Descendants of the Sun.

“Si Song Joong Ki naman, hindi pa niya nakatrabaho, pero he met him in a private gathering lang daw.

“Very tahimik, very down-to-earth daw, tapos okay na tao.

“Tapos para raw sa kanya bagay na bagay daw ‘yung dalawa, si Song Joong Ki and Song Hye Kyo,” sey pa ng interpreter.

Higit na 18 years na raw sa show business si David Kim at isa itong kilalang singer sa South Korea.

Lumabas na ito sa mga Koreanovela na The King In Love, IRIS 2, Couple or Trouble, at Unstoppable Marriage.

Sa My Korean Jagiya, gumaganap siya bilang kapatid ni Alexander Lee na umagaw sa Pinay girlfriend nito. Noong magkasakit ito, inihabilin nito kay Alexander ang kanyang anak na siyang magiging alaga ni Heart Evangelista-Escudero sa istorya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with