^

Pang Movies

Heart makikipag-agawan ng lalaki

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang collaboration ng Korean at Filipino actors ang romantic-comedy series na My Korean Jagiya with Heart Evangelista-Escudero and Korean actor, singer, and TV host Alexander ‘Xander’ Lee. 

Sa Seoul, South Korea pa nag-taping ang rom-com at naniniwala si Heart na magugustuhan ito ng Pinoy fans na mahilig ng anything about Korea.

“Kaya ang aming romcom ay dedicated sa kanila,” kuwento si Heart. 

“Ako rito si Gia from Guadalupe Immaculada Concepcion na Korean grade school teacher at avid fan din ako ng K-dramas. Mga old maids ang family ko na nakatira sa isang compound at ako na raw ang susunod na old maid sa family. Pero may boyfriend ako for five years na, si Ryan Alba (Edgar Allan Guzman) na akala ko ay magpu-propose na sa akin, pero hindi nangyari. Big fan ako noon ni Kim Jun Ho (Alexander Lee) at gustung-gusto ko siyang makita nang personal kaso bigla siyang nawala sa limelight at the height of his career, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.”

Natuwa si Gia nang nabigyan siya ng scholarship training sa Korea. Kaya pagdating pa lamang doon, una niyang ginawa ay mamasyal sa mga naging locations ng KDramas tulad ng My Love From The Star, Winter Sonata, Kim Sam Soon, Jewel In the Palace at iba pang Koreanovela na naipalabas dito sa atin. Hinahanap ni Gia si Jun Ho, pero hindi niya nakita kaya disappointed siyang bumalik ng Pilipinas. Iyon pala narito sa Pilipinas si Jun Ho na hinahanap ang Filipina girlfriend niyang si Cindy (Valeen Montenegro).

At isang araw, may nakita si Gia na isang lasing na lalaki na binubugbog ng mga goons, tinulungan niya at iniuwi sa bahay nila, ang gulat niya nang makilala ang lalaki, si Jun Ho pala. Natatawang pagtatapos ni Heart sa kuwento niya, huwag daw kalimutang subaybayan ang kanilang romcom na tiyak na magugustuhan ng mga KDrama fans at makaka-relate sila sa story nina Gia at Jun Ho.

Ang My Korean Jagiya ay mapapanood na mamayang gabi, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena sa GMA 7.                                                               

Ricky automatic na ang pagiging beki

Enjoy ang mga kaharap ni Direk Ricky Davao sa presscon ng My Korean Jagiya, dahil in character siya bilang si Jose/Josie Asuncion na isang beki. Hindi muna siya magdidirek this time dahil acting muna siya at masaya siya dahil isang masayang beki ang role niya na love na love niya ang pamangking si Gia (Heart Evangelista) at biyudang kapatid na si Aida (Janice de Belen). Ikinuwento ni Direk Ricky na may special participation sa romcom si Raymart Santiago at siya ang pag-aagawan nila ni Aida.

“Tiyak na magugustuhan ito ng mga mahihilig sa KDrama dahil ngayon pa lamang may mga posts na sila sa social media,” sabi ni Direk Ricky. 

“Kung dati, ang pinapanood natin mga Korean stars na may subtitle na English, dito, mga Korean actors na nagsasalita ng Koreans ang may subtitle na Tagalog.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with