^

Pang Movies

FPJ dinagsa ng pamilya at mga tagahanga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., (FPJ), 78 years old na sana siya kahapon. Bumabaha sa social media ang pagbati sa kanya ng happy birthday. Nagtungo sa kanyang libingan hindi lamang ang kanyang biyudang si Susan Roces at Grace Poe, kung ‘di ganoon din ang maraming mga kaibigan at maging fans.

Dati, one day before ay may bulaklak na sa kanyang monumento sa Roxas Boulevard, pero hindi nangyari iyon ngayon dahil nasabayan ng napakalakas na ulan na may baha pa.

Tingnan ninyo si FPJ, hanggang sa kamatayan ay hindi siya nalaos. Ang pelikula niya ipinalalabas pa rin hanggang ngayon sa telebisyon. Iyong restored copies ng pelikula niya, inilalabas pa rin sa sinehan, at mas pinanonood pa ng mga tao kaysa sa maraming indie films. Iyong mga pelikula niyang inire-remake, pinanonood pa rin ng tao at nagkapagpapa­sikat ng mga artistang lumalabas sa mga proyektong iyon. At huwag ninyong kalilimutan na kaya nila nakukuha ang suporta ng publiko ay dahil nakakabit pa rin sa titulo ng mismong mga programa ang pangalan ni FPJ.

Ganyan iyong mahuhusay na artista. Tingnan ninyo iyong ibang artista ngayon, sisikat lamang ng isa o dalawang taon, tapos wala na.

Kris kailangan ng PR?!

Kung titingnan mong mabuti, wala namang masamang sinabi si James Yap tungkol sa kanyang anak na si James, Jr., (Bimby) o tungkol sa dati niyang asawa. Sinabi lang niya na nalungkot siya na wala ang kanyang anak sa birthday ng anak niyang si MJ, na gusto sana niyang makunan lamang ng picture na magkasama. Sinabi rin niyang walong buwan na silang hindi nagkikita, at huli niyang nakita ang anak noon pang New Year.

Hindi naman siguro tama na sabi­hing ginagamit ni James ang kanyang anak para magkaroon ng publisidad ang kanyang negosyo, kasi kasama niya sa negosyong iyon sina Vice Ganda at Daniel Padilla na kung iisipin mo ay napakalalakas na endorsers, at siguro nga masasabi sa kasalukuyan ay mas positibo silang endorsers kaysa sa dati niyang asawa.

Mukhang mali nga yata ang PR advi­sers ni Kris Aquino nang sagutin niya ang sinabi ni James na ni hindi raw si James ang nagbayad ng ospital ng kanilang anak nang magkasakit iyon noong New Year. Huli raw nagbigay ng pera si James sa kanilang anak ay three years ago, at may binabanggit pa siyang mil­yones daw ang nakuha ni James bilang “settlement” sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.

Hindi kami kani-kanino ha, pero legally hindi matatawag na settlement iyon dahil iyon ay “separation of conjugal properties”.

Nasabi naming mukhang hindi magaling ang mga PR adviser ni Kris kung mayroon man dahil ang lumalabas sa kanyang statement ay masyado siyang bitter sa kanyang buhay. Siguro nga masakit na si James ay mayroon nang Michela, mayroon pang MJ, samantalang siya ay wala pang pumapatos, at nang ma-link pa kay Mayor Herbert Bautista ay naudlot dahil sa ilang anak noon.

Mukhang dumarami na rin ang nakakaaway ni Kris. Kamakailan lang ay inaway naman niya ang entertainment editor na si Ricky Lo. At this time na masasabi ngang bagsak ang kanyang career, walang TV network na kumukuha sa kanya, ang nag-iisa niyang pelikula na ipinagmamalaki niyang isang Hollywood movie ay cameo role lang naman siya, palagay namin hindi maganda iyang puro pang-aaway ang kanyang ginagawa. Hindi ba sa ganyang sitwasyon you should humble yourself?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with