^

Pang Movies

Super Tekla tinikman ng Korean actor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nawindang ang komedyanteng si Super Tekla nang halikan siya sa pisngi ng Korean actor na si David Kim nang mag-guest sila ni Alexander Lee sa Sunday Pinasaya para mag-promote ng series nilang My Korean Jagiya na magsisimula ngayong gabi.

Sa segment na Marsi nina Joey Paras at Pekto ang guesting nila at pinagawa sila ng kaunting skit. Nagkunwaring si Heart Evangelista si Super Tekla pero nilayasan ni Alexander nang malamang poser lang siya ni Heart.

Eh kunwari naman, si Tekla ang dating fiancée ni David na noong makita, sinugod at agad hinalikan sa pisngi! Siyempre, kinilig si Tekla dahil hindi niya expected na manghahalik si David, huh!

Kitang-kita namang enjoy sa skit na ‘yon sina Alexan­der at David. Nang matanong naman si Alexan­der kung ano ang naging impresyon niya sa leading lady, inakala ­niyang isang diva si Heart dahil 19 years na siya sa showbiz.

Pero mali pala siya dahil napaka-sweet na tao ni Heart.

Concert ng triplet, for friendship lang daw

Magkasosyo sina ­She­ryl ­Cruz at Tina Paner sa reunion concert nila ni Manilyn Reynes na Triplet – The Concert mula sa itinatag nilang Striking Star Productions. Gaganapin ito sa September 9 sa Music Museum.

Eh, noong buhay pa raw ang tatay niyang si Ricky Belmonte, pangarap na niyang tawagin si Sheryl na Stri­king Star. Kaya magsisilbi ring tribute niya sa ama ang pagtayo ng nasa­bing production.

“Actually, kay Sheryl talaga ‘yung Stri­king Star. Ako as friend niya, isa rin ako sa mga tumulong sa kanya. Nandito ako sa tabi niya para ganito, ganyan ang gawin niya. Siyempre, kailangan mutual ang decision,” pahayag ni Tina sa nakaraang presscon ng concert nila.

Natanong ang intrigang kaya hindi matuluy-tuloy ang concert nila noon ay dahil nagpapapresyo si Mane.

“Hindi totoo ‘yan. When nilapitan namin siya ni Tina, actually it was Tina who approached Mane. Sabi niya (Mane), alam ninyo kayo ang magpresyo dahil magkakaibigan tayo. Walang nanggaling kay Manilyn na ito ang presyo ko. For the love of friendship kaya heto kami ngayon at magkakasama,” paliwanag ni Sheryl.

Sa Triplet – The Concert, special guests nila ang Meant To Be boys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner at mula ito sa direksyon ni Frank Mamaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with