^

Pang Movies

Annabelle pinangunahan ang pagkamatay ng kapatid

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Annabelle pinangunahan ang pagkamatay ng kapatid

Annabelle Rama

May correction please si Annabelle Rama, namatay kahapon sa Amerika at hindi noong Sabado ang kanyang younger brother na si William.

Mabilis na kumalat noong Sabado ang balita na nagluluksa ang pamilya ni Bisaya dahil sa pagpanaw ng kapatid niya.

Binawi ni Annabelle ang balita noong Sabado dahil buhay pa si William.

Valid naman ang reason ni Bisaya na iyak nang iyak kaya hindi masyadong naunawaan ang sinabi ng kanyang another brother.

Nag-sorry si Bisaya sa lahat ng mga nakiramay sa kanya.

“To all my friends and family, I am so sorry mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi ng kapatid kong doctor. Wala akong tulog since last night. Iyak ako nang iyak buong gabi.

“Buhay pala ang kapatid ko. Malakas pa ang heartbeat niya. Please continue to pray for William’s full recovery. Praise the Lord,” ang apology ni Bisaya pero kahapon, tuluyan nang binawian ng buhay ang kanyang kapatid.

Enzo napapansin na ang akting

Maganda ang reviews sa performance ni Enzo Pineda sa Bar Boys na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Happy ako dahil napapansin na ang acting ability ni Enzo na isa sa mga pinakamabait na young actor na nakilala ko noong talent pa siya ng GMA 7.

Nag-ober da bakod na si Enzo sa ABS-CBN pero nababalitaan ko na pinupuri ang kanyang acting sa afternoon teleserye na tinatampukan niya.

Narinig ko naman mula sa isang film critic ang kuwento nito na napanood niya ang Bar Boys at magaling dito si Enzo.

Tula nina Bela at JC hinulaang magagaya sa Kita Kita

Sa mga pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, sure ako na magkakaroon ng extension sa mga sinehan ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films dahil pinipilahan ito sa takilya.

Puwedeng mangyari sa pelikula nina Bela Padilla at JC Santos ang naging kapalaran ng Kita Kita na nagtagal ang showing sa mga sinehan dahil sa usap-usapan na maganda ang project.

Dinagdagan na ang mga sinehan ng 100 Tula Para Kay Stella sa mga mall dahil sa rami ng mga nanonood. Hindi ko na sasabihin ang mga pelikula na na-pull out sa mga sinehan bilang respeto sa mga artista at produ.

Patay... ni Jaclyn dinagsa ng mayayaman

Pinipilahan din sa mga sinehan ang Patay Na Si Hesus, ang pelikula ni Jaclyn Jose na kinunan ang mga eksena sa Cebu at Dumaguete.

Sosyal ang crowd ng Patay Na Si Hesus dahil puno ang mga sinehan sa Makati City na pinagtatanghalan nito, kahit pang-masa ang kuwento ng pelikula.

May balita na magkakaroon ng international release ang Patay Na Si Hesus. Why not? May hatak naman si Jaclyn, ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016.

Marami ang nagsasabi na mas magaling ang performance ni Jaclyn sa Patay Na Si Hesus kesa sa Ma’Rosa kaya excited ang mga Pinoy na nakatira sa ibang bansa na mapanood ang latest movie niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with