^

Pang Movies

Super momshies kinilala sa Salamat Momshie Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na super momshies ang binigyang pugay ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay para sa hindi nila matatawaran pagmamahal at sakripisyo nila sa kanilang mga pamilya sa unang Salamat Momshie Awards.

Sila ay sina momshies Azon Aguila at Rose Gumantason ng Luzon, Rodilla Omillo at Lilia Demillones ng Visayas, at Juanita Abayon at Rose Cabajon ng Min­danao.

Nagpamalas ng tapang at tibay ng loob si momshie Rodilla nang iligtas niya ang buhay ng mga anak noong nanalasa ang bagyong Yolanda, habang si momshie Azon naman ay mag-isang binuhay ang 11 na anak.

Mula sa pagiging yaya ay tuluyan namang naging nanay si momshie Rose ng kanyang alaga matapos itong maulila.

Parang ganoon din ang kwento ni momshie Lilia na naging ina sa kanyang mga inaanak at ibinigay ang atensyon at pagmamahal na kailangan nila.

Samantala, si momshie Juanita naman ay lumaban at muling tumayo sa kanyang sariling mga paa matapos iwan ng asawa para sa ibang babae at matapos mawala ang kanyang ikatlong anak sa isang aksidente.

Pinatunayan naman ni momshie Rose na walang hindi gagawin ang ina para sa anak nang iwan niya ang kanyang trabaho para matutukan ang pag-aalaga sa anak na may kinakaharap na sakit.

Lahat ng Salamat Momshie awardees ay nakatamo ng plaque of recognition at personal na pinarangalan sa telebisyon nina Melai, Karla, and Jolina.

Manood ng Magandang Buhay, Lunes hanggang Biyernes, 8AM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with