^

Pang Movies

Gerald gustong umulit sa action movie

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Happy si Gerald Anderson sa magagandang feedback na kanyang naririnig, lalo’t kung mula ito sa mga pangkaraniwang manonood na nagbayad para lang mapanood ang kanyang first action film na AWOL.

But happier, of course, lalo ang direktor na si Enzo Williams and the powers behind Skylight Film, na nag-produce ng AWOL, dahil nangangahulugan nga naman na may market pa ang action films.

I guess, matutuwang marinig ang balitang ito nina former Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, na parehong detained pa sa PNP Custodial Center. They both in their time, dabbled in action films. “Mabusisi and, well, medyo mas expensive lang, compare sa ibang genre, ang action movies,” ani direk Enzo, “kasi maraming requirements. Bukod sa dapat maging kapani-paniwala ang actions scene.”

In AWOL, ani Gerald, “I was lucky that I had real soldiers, mga members mismo ng sniper group ng Philippine Army, playing support and as extras.

“I just cannot thank them enough.”

Ayon kay Gerald, he will not mind na gumawa ulit ng action movie sa susunod niyang project.

At sana nga raw, si Direk Enzo muli ang mamahala.

Boyfriend ni Lovi nagmumura in French pag nagagalit

Understandable kung bakit hindi mas­yadong makwento si Lovi Poe tungkol sa kanyang ama, the late Fernando Poe, Jr.

Ayon kasi sa reliable source, hindi raw sila nagkaroon ng chance para maging malapit sa isa’t isa kahit pa nasa kanyang teen years na si Lovi, when FPJ died 14 years ago.

Well, unlike Senator Grace Poe, na itinuring na apple of his eye ni late FPJ. And, of course, her Mom, Susan Roces.

Isang top commercial model ang ina ni Lovi na si Rowena Moran when she played leading lady to FPJ sa 1987 movie na Kapag Puno Na Ang Salop.

Ipinanganak naman si Lovi noong February 11, 1989.

Isa na ngayong aktres si Lovi at siya ang lea­ding lady ni Vhong Navarro sa soon to be released Regal Entertainment offering, ang Woke Up Like This.

She describe Woke Up Like This an all-out come­dy sabi niya kay Boy Abunda nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong Friday.

“Magsu-switch kami ng katauhan dito ni Vhong,” susog pa ni Lovi.

“Magiging ako siya. Siya naman ay magiging ako.

“Kaya, riot ang pelikula from beginning to end,” natatawang dugtong pa ni Lovi.

Isang French ang boyfriend ni Lovi na si Chris Johnson, na kapag naiinis o kaya, nagagalit daw sa kanya, nagsasalita in French.

Whether it’s daw naman or just more talk, binabalewala raw niya, hindi naman daw kasi niya maintindihan. At wala rin daw siyang balak intindihin, giit pa niya kay Boy.

Talent si Lovi ng GMA 7 at kasama siya sa cast ng Mulawin vs Ravena.

FPJ, 78 na sana ngayon

Birthday today, August 20, ng father ni Lovi na si FPJ.

Ronnie would have turned 78. Magkaedad sila ni Mother Lily Monteverde, who marked her natal day naman kahapon, August 19.

Dalawin kaya ni Lovi ang punod ng kanyang ama sa North Cemetery today?

Ang tiyak na dadalaw bukod, of course, sa marami pang taong nagmamahal kay FPJ, kabilang na si Manila Mayor Joseph Estrada, ay ang mag-inang Susan at Senator Grace. And, of course, ang pamilya ng senadora.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with