^

Pang Movies

Kris nakalimot sa visitation rights ni James?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman sa pakikisawsaw ito sa buhay ng may buhay, pero isang public document, o public record na matatawag ang anumang desisyon ng korte. Sa isang kasunduan na pinahintulutan ng korte batay sa kanilang desisyon, binigyan ng full visitation rights ng hukuman si James Yap para makasama ang kanyang anak na si James Jr., (Bimby) at sa pagkakatanda namin hindi limited iyon sa minsan isang linggo. May sinasabi pang pinahihintulutan na makapag-sleep over ang bata sa bahay ng kanyang ama kung gusto nila.

Natatandaan namin, isa iyan sa ipinakipaglaban ng abogado noon ni James na si Atty. Lorna Kapunan. In fact, sinasabi ng abogado na para sa kanila, mas mahalaga ang visitation rights ni James sa kanyang anak kaysa sa naging separation of properties. Kaya nga kahit na sa ilalim ng batas, dapat sana ay 50-50 sila sa lahat ng properties, pinabayaan na nilang makalamang si Kris, basta mailagay sa ayos ang visitation rights.

Kaya nagulat kami doon sa nabalitang sinasabi ni James na walong buwan na niyang hindi nakikita ang anak, at huli silang nagkita noon pang nakaraang Bagong Taon.

Pero si James naman kasi, tutal may anak na siya na si MJ na lagi niyang kasama, kahit na nga hinahanap din niyang makasama ang anak niyang si Bimby, hindi na niya ginagawang issue iyon. Sinasabi rin niya na minsan “nakakapagod na ring maghintay”, at iyon ang mas nakakatakot.

Kasi kung mapuputol ang relasyon ng mag-ama, ang lalabas na talagang talo riyan ay si James Jr., dahil lalaki siyang walang pagkalinga ng isang ama. Hindi normal sa bata ang walang tatay. Kahit na sabihin mong lahat ay kayang ibigay sa kanya ng nanay niya, o maaari siyang alagaan din ng tiyuhin niya, iba ang nagagabayan ng tunay na tatay ang isang bata.

Nakakalungkot na sitwasyon iyan dahil sa hindi pagkakasundo ng kanilang mga magulang, may mga batang hindi tuloy nakakakuha ng atensiyon na dapat ay sa kanila. Lumalabas ngayon, mas masuwerte si MJ, dahil nandiyan lang ang nanay at tatay niya.

Ella hindi nakaladkad sa businessman

Hindi halos pinansin ni Ella Cruz ang pag-uusisa ng press tungkol sa diumano’y pagyayaya rin sa kanya ng isang businessman na nag-aya ng coffee date kay Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard. After all hindi naman inilagay sa billboard ang pagyayaya sa kanya. At saka isang press conference iyon na kung saan ang pelikula niyang Fan Girl/Fan Boy ang dapat na pinag-uusapan.

Pero makikita mo rin ang magandang values ni Ella bilang isang babae. Ipinakikita lamang niya na hindi siya isang babaeng kaladkarin na maaaring maka-date ng kahit na sino lang na gusto siyang makasama.

Baguhang aktres hawak sa leeg ng tomboy

May gumagawa ng tsismis, may ka-date raw na isang boy si ate. Mabuti naman at pinapayagan siya ng karelasyon niyang tomboy. Mukhang mas maluwag iyon sa kanya. Iyong dating ka-on na tomboy, aba pinilit talagang makipag-break sa isang manliligaw,”not once, but twice” “or else”.

Siguro, dahil bini-build up pa nga lamang si ate kaya pinapayagan siya dahil baka naman masira ang kanyang career kung ang mababalita ay ang relasyon nga niya ay tomboy.

After all dito naman sa atin, hindi pa talaga tanggap ng mga tao ang mga artistang nakikipagrelasyon sa LGBT, kaya itinatago pa rin nila iyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with