^

Pang Movies

Anne tuloy na ang pelikula ka-partner ang sikat na Korean actor!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May idea na ako sa identity ng Korean actor na makakatambal ni Anne Curtis sa upcoming movie ng Viva Films.

Siyempre, hindi ko pa puwedeng i-reveal ang name ng popular Korean actor dahil under negotiation pa ang lahat.

Hindi ko pinangarap na ako ang maging dahilan para ma-preempt ang mga plano ni Boss Vic del Rosario.

Basta isa lang ang masasabi ko, sikat talaga ang Korean actor at mas popular siya kesa kay Alexander Lee, ang leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Sigurado naman na magpapatawag ng presscon ang Viva kapag natapos na ang negosasyon at kapag puwede nang i-reveal ang Korean actor na makakapareha ni Anne sa pelikula.

Michela hinihintay kung may magagawa

Kris parang bulkang sumabog

Kalurky ‘ha? Si Papa Ricky Lo ang unang inaway nina Michela Cazzola at Kris Aquino dahil hindi nila type ang headline tungkol sa hindi pagdalo ni Bimby Yap sa birthday party ng half-brother nito noong August 12.

Iba na ang ihip ng hangin dahil si James na ang “tinatalakan” ni Kris dahil sa mga statement ng kanyang ex-husband nang interbyuhin ito ng press sa opening ng bar business nila ng mga kaibigan niya.

Mabibigat ang mga paratang ni Kris na matagal na nanahimik pero parang bulkan na sumabog nang mabasa niya ang mga pahayag ng kanyang ex-dyowa.

Ano kaya ang maitutulong ni Michela para maayos ang problema dahil ‘yon ang papel niya ‘di ba? Ngayon natin makikita kung paano gagamitin ni Michela ang kanyang ipi­no-project na understanding girlfriend image.

Tingnan natin kung ipagtatanggol ni Michela si James at magbibitaw siya ng masasakit na salita laban kay Kris tulad nang ginawa niya kay Papa Ricky.

Hotel na tinutuluyan ni Alexander Lee pinaghahanap ng fans

In fairness, libu-libo na ang fans ni Alexander Lee na Pinoy mula nang ipakilala siya ng GMA-7 bilang love interest ni Heart sa My Korean Jagiya na mapapanood na bukas ang pilot episode.

Knows ng fans na matatagalan sa Pilipinas si Alexander dahil tatapusin nito ang mga eksena niya sa My Korean Jagiya bago siya bumalik sa South Korea.

Hinahanap ng fans ang hotel na tinutuluyan ni Alexander na balak nila na i-stalk.

Alam ko kung saan naka-check in si Alexander at ang ibang Korean actors na cast member ng My Korean Jagiya pero my lips are sealed.

Pero puwede akong magbigay ng clue. Somewhere near GMA ang hotel na hindi rin kalayuan sa New Manila residence nina Heart at Senator Chiz Escudero.

Woke Up… may red carpet premiere

Bukas na ang red carpet premiere ng Woke Up Like This sa SM Megamall Cinema 7.

Starring sa Woke Up Like This sina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Mapapanood ang Woke Up Like This sa cine­mas nationwide sa August 23, isang araw pagkatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino na pinipilahan kahapon sa box office ang mga pelikula na kalahok.

Sa 12 official entries ng Pista ng Pelikulang Pili­pino, nangunguna pa rin ang 100 Tula Para kay Stella kaya masaya sa bakuran ng Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with