^

Pang Movies

Movie ni Sharon top grosser, kumita ng halos P4 million

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Movie ni Sharon top grosser, kumita ng halos P4 million

Sharon Cuneta

Ay ang saklap pala ng naging kapalaran ng mga pelikulang kasali sa natapos na Cinemalaya.

Hindi pa pala umabot sa apat na milyon ang kita ng top grosser na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na si Ms. Sharon Cuneta ang producer na pinagbidahan din niya.

Medyo mahina kasi ngayon ang Cinemalaya kumpara nung mga nagdaang taon kaya imagine kung how much lang ang kinita ng ibang kasali.

Na-excite siguro ang manonood sa isinasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pinipilahan ang mga kasa­ling pelikula.

Naka-recover kaya sa capital si Ms. Shawie?

 

Bela Padilla

Bela may sekretong manliligaw?

Uy sino kaya ang bagong manliligaw ni Bela Padilla?

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Bela ang isang flower arrangement na pinadala ng isang anonymous sender. “To you, who sent these flowers today...thank you for putting a smile on my face I’d appreciate it more if you introduced yourself next time. Because anonymous is a word that’s hard to rhyme,” caption ni Bela sa litrato ng mga bulaklak.

Ipinakita niya ang card na may nakasulat na “Dear Bela, I hope this puts a smile on your face. I’d write a poem but I probably couldn’t so I wouldn’t bother,” “Anonymous.”

Unless isa ito sa mga fan ni Bela na nagandahan at napabilib niya sa pelikula nila ni JC Santos na 100 Tula para kay Stella na nangunguna sa isinasagawang PPP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with