^

Pang Movies

Dokyu sa Marawi tampok sa Sunday’s best

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Muling mapapanood ng mga Pilipino ang dokyumentaryong Di Ka Pasisiil ng ABS-CBN na nagpapakita ng mga kwento sa likod ng kaguluhan sa Marawi sa darating na Linggo (Agosto 20) sa Sunday’s Best pagkatapos ng GGV.

Umani ng maraming reaksyon ang dokyung gawa ng ABS-CBN DocuCentral mula sa mga netizen dahil sa mga imahe at panayam na napanood nila sa una nitong pagpapalabas sa ABS-CBN noong nakaraang Linggo ng hapon,

Tampok sa dokyu ang pagsasalaysay ng ABS-CBN news reporters na sina Chiara Zambrano at Jeff Canoy, na parehong nagbalita mula sa Marawi at nasaksihan ang paghihirap at pakikipaglaban ng mga residente at sundalo sa giyerang marami nang kinitil na buhay simula Mayo 23.

Lubos na naapektuhan ang mga manonood sa mga kwento ng mga Pilipinong nananatiling may pag-asa kahit hindi masigurado ang kanilang kaligtasan.

Sa Facebook naman, napa-saludo si Janet Songano sa katapangang ipinakita ng mga sundalo at mamamahayag na nasa Marawi upang itaguyod ang bandila ng Pilipinas at para magbalita sa bayan. Pati ang tagapagsalita ng Provincial Crisis Management Committee at assemblyman ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na si Zia Alonto Adiong ay nag-post ng larawan ng anak kasama ang sinulat na liham para sa mga sundalo sa Twitter. Aniya, ginawa ito ng bata matapos mapanood ang dokyu.

Huwag palampasin ang muling pagpapalabas ng Di Ka Pasisiil, A Marawi Siege Documentary, tampok ang pagsasalaysay nina Chiara Zambrano at Jeff Canoy ngayong Agosto 20 sa Sunday’s Best sa ABS-CBN at ABS-CBN HD pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with