^

Pang Movies

JC at Bela iniyakan at tinatawanan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kahit last full show ng palabas na 100 Tula Para Kay Stella ay punung-punu pa rin ang sinehan last Wednesday sa SM Molino.

Puro lalaking magbabarkada ang nakahilera namin sa last row na panay ang side comment ng grupo sa mga pinagdadaanan ni Fidel, ang role na binigyang buhay ni JC Santos sa movie.

Bigla rin na in love ang grupo kay Stella na ginampanan ni Bela Padilla na ayon sa isa ay type niyang maging syota sa sobrang ganda.  Totoo naman kasi na kahit anong anggulo nito sa movie ay angat pa rin ang kagandahan at kaastigan bilang rakista.

Kung marami ang na-in love kay Bela, marami rin naman ang nainis sa kanya na kailangan ninyong mapanood para malaman kung bakit.

Lahat naman ay bumilib sa kahusayan ni JC na muling binuhay ang natutulog na hilig ng mga Pinoy pagdating sa pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng tula.

Natural ang pag-arte ni JC at walang ka-effort effort sa eksena. Mula sa kanyang pagiging utal hanggang sa pag-develop ng kanyang talent ay naituwid ni JC ang kanyang pagganap. Dapat bigyan pa ng maraming movie si JC na tulad ng 100 na Tula. Palibhasa isang theater actor si JC naibigay niya ang tamang emosyon na hinihingi ng eksena.

Wagi ang Viva Films sa movie. Lahat kasi ay na-curios kaya dinudumog sa mga sinehan ang kuwento nina Stella at Fidel sa saliw ng tula.

Ang 100 Tula Para Kay Stella na nakakatawa at nakakaiyak ay written and directed by Jason Paul Laxamana na hango sa kanyang totoong kuwento sa buhay. Isa ang pelikula sa mga kasali sa isinasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with