^

Pang Movies

Aktres niraket ang 150k para i-promote ang kontrobersyal na mall

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabuko ng manager

Wala talagang lihim na hindi mabubunyag, lalo na kung artista ang involved sa isyu.

Nabuking ng manager ng isang aktres ang sikreto na pagtanggap nito ng raket. Sa halagang P150, 000, tinanggap ng aktres ang offer na i-post niya sa kanyang social media account ang name ng isang mall na nasangkot sa trahedya, kamakailan lang.

Hindi na ipinagpaalam ng aktres sa manager niya ang tinanggap na raket dahil baka nanghinayang siya sa komisyon. Ang kaso, nalaman pa rin ng ma­nager ang secret deal ng aktres na tinalikuran na ng ibang fans niya dahil lumitaw ang kanyang kamalditahan nang makatikim siya ng katiting na popularity.

Julian tanggap na malayo pa ang tatahakin

Flattered sina Julian Trono at Ella Cruz kapag sinasabi na sila ang bagong James Reid at Nadine Lustre pero kung sila ang masusunod, ayaw nila ang comparison sa ibang mga loveteam.

Iba kasi ang JaDine sa JulianElla dahil tanggap nina Julian at Ella na malayo pa ang tatahakin nila bago mapantayan o malampasan ang achievements ng loveteam nina James at Nadine.

Gusto nina Julian at Ella na makilala sila dahil sa kanilang mga talent at hindi dahil ikinukumpara sila sa JaDine na mga alaga rin ng Viva Artists Agency.

Unfair nga naman na i-compare sina Julian at Ella sa JaDine. Kung maririnig ninyo ang mga pagsagot ni Julian sa mga tanong ng entertainment press, magugulat kayo dahil matalino siya at hindi nakaka-offend ang kanyang pagsasalita, kahit intriguing ang mga question.

Rematch ng bakbakang Pacquiao-Horn  sa ‘Pinas idaraos?!

Isang malaking negosyo ang boxing kaya hindi na bago ang balita na magkakaroon ng rematch sa November si Senator Manny Pacquiao at si Jeff Horn, ang Australian boxer na tumalo sa kanya sa laban nila sa Brisbane noong July 2, 2017.

Kinumpirma ng boxing promoter na si Bob Arum na pumayag na si Papa Manny na makipagbakbakan uli kay Jeff at mangyayari ang paghaharap nila sa same venue, ang Suncorp Stadium. Ready na rin si Jeff sa Part 2 ng boxing match nila ng Pambansang Kamao.

Pero may panawagan kay Arum ang Pinoy boxing fans. Gusto nila na idaos ang Pacquiao-Horn fight sa Pilipinas, for a change.

After all, sa Brisbane naman nangyari ang unang laban nina Papa Manny at Jeff na naging kontrobersyal dahil mas marami ang kumbinsido na ang Pinoy boxing champ ang tunay na winner, sa kabila ng desisyon ng World  Boxing Organization na pinaboran ang Australian boxer.

PPP dalawa lang ang igagawad na parangal

Ngayon ang thanksgiving at awards night ng Pista ng Pelikulang Pilipino pero hindi magbibigay ng mga acting award ang organizer ng film festival, ang Film Development Council of the Philippines.

Dalawa lang ang parangal na ipagkakaloob ng organizer sa deserving movies, ang Critics Choice Award at ang Audience Choice Award.

Therefore, hindi mananalo ng best actor award si JC Santos, kahit pinupuri ang akting niya sa 100 Tula Para Kay Stella.

Hintayin na lang ni JC ang 2018 dahil tiyak na magkakaroon siya ng mga acting nomination mula sa sangkatutak na award-giving bodies sa Pilipinas.

For the meantime, makuntento muna siya na numero uno sa takilya ang pelikula nila ni Bela Padilla at marami ang pumupuri sa karakter niya bilang Fidel, ang utal na gumawa ng 100 Tula Para kay Stella.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with