^

Pang Movies

Janice gusto nang bumili ng bahay sa Korea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tanggap ni Janice de Belen na adik na siya sa kahit anong tungkol sa Korea, K-Pop, Korean drama at stars, na nagaya niya sa kapatid na si Gelli de Belen.

“Since then lahat na lamang pinapanood ko, variety shows at lahat ng klase ng Korean shows pinapanood ko, pinipilit kong intindihin,” natatawang wika ni Janice. 

“Kahit mga BTS (behind the scenes) sa Korean videos, pinapanood ko at sini-save ko kapag gusto ko. Iyong mga interviews din sa Korean stars, pinapanood ko at kahit papaano naman may naiintindihan din ako. Ang dami-dami ko na ring mga Korean magazines, may kaibigan kasi ako sa Korea na siyang bumibili ng magazines na gusto ko at ipinadadala niya sa akin. Binibiro na ako ni Gelli na baka raw bumili na ako ng bahay sa Korea. Hindi pa naman. Hanggang sa paghanga lamang ako. Kung gusto ko namang pumunta sa Korea, pwede akong pumunta. Mga six times na akong bumabalik doon.”

Pero hindi ipinagkaila ni Janice na may crush siyang Korean actor, si Song Joong Ki, na ikakasal na sa girlfriend na si Song Hye Kyo sa October 31.  Ikinabigla rin daw niya ang kasal nito sa leading lady sa Descendants of the Sun.

Kaya naman natuwa si Janice nang malaman niyang kasama siya sa cast ng bagong romantic-comedy series ng GMA na kinunan sa Korea ang ilang scenes. Gaganap siyang auntie ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya. Wala sa kanya kung hindi siya kasamang nag-location sa Korea.

“Okey lamang sa akin dahil hindi magandang mag-work doon kung summer, ang init-­init ng weather doon.  Mas magandang mag-work kung malamig. Pero mababait ang mga Korean stars sina Alexander Lee or Xander, na kasama naming nagti-taping ngayon dito.”

At dahil nga raw lahat ng mga Korean stars ay napapanood niya, masaya siya dahil na-meet niya nang personal ang mga co-stars niya sa My Korean Jagiya na sina David Kim, Michelle Oh, Jerry Lee.

Airing na sa Monday, August 21, ang My Korean Jagiya after ng Mulawin vs. Ravena.

Pagbabalik ni Pepe, trending

Patuloy ang gabi-gabing pasabog sa simula pa lamang ng pilot week ng Alyas Robin Hood 2. Nagti-trending gabi-gabi, ang muling pagbabalik ni Robin Hood, kaya nga comment ng mga netizens, “what a comeback!” dahil talaga namang nakakabilib agad ang mga fight scenes at nakakakabang stunts na ginagawa ni Dingdong Dantes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with