^

Pang Movies

Career ni Heart nakasalalay sa Jagiya...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpasalamat si Heart Evangelista sa GMA 7, dahil sa pangangalaga sa kanyang career. Isipin ninyong 19 years na palang artista si Heart. Actually nagsimula si Heart sa ABS-CBN, pero kalaunan ay lumipat siya sa GMA.

Ngayon, bilang pagkilala naman sa kanyang mga naabot sa Kapuso network, siya ang binigyan ng malaking assignment na masasabing sa kanya talaga, ang My Korean Jagiya. Hindi lang iyan dahil mapapalaban siya sa primetime, at ginastusan. Nag-taping sila sa Korea, at dinala pa sa Pilipinas ang mga Koreanong artista. Hindi biru-birong dalhin mo sa Pilipinas ang isang malaking artista sa Korea, kagaya niyang si Alexander Lee.

Tama lang pala naman na pinatay na lang ang character niya sa Mulawin. Iyong role na ginawa niya ay minana lang niya kay Angel Locsin, at saka talaga namang papatayin din ang character para makapasok ang mga baguhang artista na siya nilang gagawing bida talaga. At may nagbibiro pa nga, “mabuti nakaalis na si Heart sa Mulawin bago iyon tinamaan ng bird flu.”

Matagal na rin namang artista si Heart, kailangan na niya ng isang project na masasabing siya lang talaga ang bida at siya ang magdadala. Diyan sa My Korean Jagiya, bagama’t may mga artistang Koreano, dito sa atin ay maliwanag na si Heart ang magdadala ng serye. Siya kasi ang mas kilalang artista dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, kung sa pagsisimula ng kanilang serye ay mataas agad ang ratings niyan, ang kredito ay mapupunta kay Heart. Iyon ang makapagpapatunay talaga ng kanyang popularidad, at magiging basehan para sa mga susunod niyang proyekto.

Paintings ni Jao Mapa alaala ng kabataan

Nadaanan namin sa isang mall malapit lang sa amin ang isang art exhibit ng mga Angono painter. Kung sabihin, iyang Angono sa lalawigan ng Rizal ang Art Capital ng Pilipinas. Diyan nagmula ang composer at national artist na si Lucio San Pedro. Diyan din nanggaling ang national artist na si Botong Francisco. Hanggang nitong mga nakaraang ilang taon, sumikat din si Digong Vocalan diyan sa Angono.

Pero ang talagang ikinagulat namin, sa kanilang exhibit ay kasama ang pitong paintings ng actor na si Jao Mapa. Alam naman naming nag-aral ng fine arts si Jao sa UST kung hindi kami nagkakamali. Pero dahil iyan ngang si Jao ay naging isang actor, hindi namin alam na ipinagpatuloy pala niya ang kanyang pagpipinta. Iyong mga painting ni Jao, “typically Angono artist” dahil nagpapakita iyon ng local color. Acryllic on canvas ang kanyang mga ginawa. Nagustuhan namin iyong isang painting niya roon, iyong Magtataho. Maganda ang expression eh, at saka typical na nagtitinda ng taho talaga. Maaalala mo ang kabataan mo sa mga painting ni Jao.

Sayang hindi namin inabot si Jao para makausap sana tungkol sa kanyang pagpipinta. Mabuti mayroon siyang ipinost na picture niya sa social media na kuha sa exhibit.

‘Workshops’ ni direk ‘di umubra sa baguhang aktor

Medyo nahihirapan daw ang appointed pralala ng isang baguhang male star sa paggawa ng mga pralala nila tungkol sa baguhang male star. Wala kasi siyang masabi dahil talaga namang mukhang walang ibubuga ang baguhan sa pag-arte. Kahit na pogi pa siya, hindi naman marunong umarte, papaano nga ba? Wala ring nagawa ang mga “workshop ni direk” sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with