^

Pang Movies

Ella ‘dinugo’ sa halikan nila ni Julian!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ibinisto ng director na si Barry Gonzales at director-producer na si Joyce Bernal ang “madugong” kissing scene nina Julian Trono at Ella Cruz sa launching movie nilang Fan Boy/Fan Girl nang magkaroon ito ng grand media-con kahapon sa Le Reeve Events Place.

“Meron!” senyas sa amin ni Neil Arce na isa sa producers ng movie.

“Meron, meron,” singit naman ni Joyce.

“Meron! Madugo nga ‘yung halikan! Ha! Ha! Ha!” sey ni direk Barry. “Putok ang labi! Ha! Ha! Ha! Kasi meron pong eksena na napa-kiss lang. Sa sobrang excitement sa pagka-kiss nila, tumama sa ngipin. Madugo talaga,” dagdag ng director.

Sino ang dinugo?

“Dinugo si Ella!  Ha! Ha! Ha!” tugon ni direk Barry.

“Pumutok po ang labi ko!” sabad ni Ella.

“Heto po ang context. Mabibigla. Ayusin natin ito kasi alam na natin ito. Nasugatan po siya kasi tumama sa ngipin ko. Hindi naman sa kung anuman ‘yon,” sabi ni Julian.

“Huwag ka nang mag-explain,” sey naman ni Ella.

“Hindi ko nga nagustuhan dahil nasaktan po ako. I had to pause kasi nagdudugo ang labi niya. Medyo na-delay ‘yung scene,” katwiran pa ng Teen Dance Royalty.

Pero sa pelikulang ito, mapapanood naman ang “other side” ng JulianElla loveteam dahil ang kakayahan naman nila sa pag-arte ang matutunghayan ng kanilang fans sa showing nito sa September 6.

Nadine sasabak na sa katatakutan

Kakawala muna si Nadine Lustre kay James Reid once simulan na ang solo movie niyang The Nurse.

Ibinalita ito ng premyadong director na si Jun Lana sa nakaraang post niya sa Twitter account niya. Sa Japan kukunan ang movie na horror ang tema at produced ng The IdeaFirst Company.

Nagbubunyi naman ang fans ni Nads sa balita ng director. Excited na sila at pangarap talaga nilang naidirek ng premyadong director ang kanilang idolo.

“Nadine working with A list actress plus Jun Lana is something to look forward to,” ani ng isang netizen.

Hiling naman ng ilan, isalang sa matinding workshops si Nadine bago simulan ang movie. Ayon naman kasi sa ilang reports, si Sarah Geronimo ang makakasama ni James Reid sa next project niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with