^

Pang Movies

JulianElla ayaw palitan ang JaDine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon sa JulianElla loveteam na sina Julian Trono at Ella Cruz, wala naman daw silang balak tapatan o gayahin ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre na tulad nila ay nasa pangangalaga rin ng Viva Artists Agency (VAA).

“Personally po ako,” sey ni Julian sa grand presscon kahapon ng launching film nilang Fan Boy/Fan Girl under Viva Films, “sinabi ko na rin po ‘yun before, hindi na po namin kayang i-duplicate sila kasi they are very unique, distinct sila, eh. Iba ‘yung tunog nila, iba how they speak, how they perform and ‘yung hitsura rin nila, ‘yung chemistry nila, sobrang unde­niably kakaiba.”

Kaya ‘pag tinatanong nga sa kanila kung may pressure ba on their part na lampasan or tapatan ang JaDine, aniya ay wala naman.

“’Yung pressure ginagamit na lang namin sa ‘uy husayan natin, ha, kasi before, nagawa nila ‘yung ganito, kung hindi man natin magawa sa level nila, at least, ‘yun yung goal natin. At least hindi man umabot, nandun ‘yung path.

“Right now, isa rin sila sa mga inspirasyon na talagang tinitingnan namin when it comes to music. No­thing to compare kasi isa sila sa mga nagsimula nito, kami lang ‘yung magtutuloy ulit ng mga iba pa,” sey ni Julian.

Agree naman si Ella sa sinabi ng kanyang ka-loveteam.

“Of course may pressure po pero tulad nga ng sinabi ni Julian, alam ko na kaya naming gumawa ng ibang path tulad din po ng sinabi ni direk Joyce (Bernal, the producer), ‘yun na ‘yun, eh, JaDine is the one and only Jadine, wala nang makakapalit pa doon. Kami, gagawa kami ng JulianElla, gagawa kami nun, gagawa kami ng sarili naming path saka iba ‘yung nabibigay nila, iba rin yung kaya naming ibigay, though parehas kaya ng music saka ng acting, kaya din namang i-develop or i-form sa ibang bagay sa ibang atake,” sabi ni Ella.

Aminado naman ang dalawa na ang may malaking pressure sa kanila ay ang launching film nilang Fangirl/Fanboy.

“’Yung pressure na nararamdaman ko kapag sinasabi ni direk na napanood na raw nila Boss Vic (del Rosario) ‘yung movie, tapos sinasabi nila ‘yung feedback nila, kinakabahan talaga ako,” sabi ni Ella.

Showing na ang Fanboy/Fangirl sa Sept. 6 nationwide mula sa direksyon ni Barry Gonzales.

Ellen wanted sa fans ng K-pop idol na si Seungri

Talk of the town pa rin sa K-pop world ang issue kina Ellen Adarna at K-pop idol na si Seungri (Lee Seung-hyun), miyembro ng sikat na boy band na Big Bang na nagsimula nang mamataan silang nagha-hang out sa Bali, Indonesia few days ago.

May netizens na nag-post sa Twitter at Instagram ng larawan nina Seungri at Ellen at makikitang cozy-cozy sila sa isa’t isa at mukhang may something special na namamagitan.

Hanggang sa pinik-ap na nga ng mga Korean online sites. Na-feature na sa allkpop.com, koreaboo at ginawan na rin ng iba’t ibang videos sa YouTube. Siyempre, dito man sa atin ay ito ang laman ng balita.

Ang daming girl fans ni Seungri ang inggit at galit na rin kay Ellen ngayon and we wonder kung alam ng sexy actress kung gaano kasikat sa Korea ang nasabing singer. Ngayon pa lang, ang dami nang nagwa-warning sa kanya na maging handa na siya sa bashers.

Base sa latest IG post ni Ellen, hanggang ngayon ay nasa Indonesia pa siya kaya hindi pa siya nakukunan ng reaksyon tungkol sa isyung ito.

May mga open-minded namang fans na nagsasabing wala namang masama kung talagang matutuloy sila sa isang relasyon dahil pareho naman silang single.

Actually, kung talagang magiging sila, malaking advantage ito kay Ellen dahil sa lawak ng fan base ni Seungri. Hindi lang siya sikat sa Korea at ‘Pinas kung hindi ma­ging sa iba pang parte ng mundo coz as we all know, buong mundo yata ay into K-pop ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with